PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda maintains he has no bad blood with Ate Gay

"Actually, nakakatawa yung ‘nagkaayos’ kasi di naman kami nag-away nun."
by Melba R. Llanera
Published Sep 1, 2022
Vice Ganda at Preview Ball 2022
Vice Ganda (left) clarifies it's wrong to say that he and Ate Gay (right) reconciled because there was no bad blood between them in the first place.
PHOTO/S: Sany Chua / @ategay08 Instagram

Umani ng positibong reaksiyon mula sa netizens at ilang taong malalapit sa kanila ang napabalitang pag-aayos nina Vice Ganda at Ate Gay.

August 26, 2022 nang i-post ni Ate Gay ang larawan nilang magkasama ng It's Showtime host na may caption na "love, love, love."

Nagkita at nagkaayos ang dalawa sa concert ng Beks Battalion na Beks 2 Beks 2 Beks kung saan isa sa special guests si Ate Gay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice Ganda sa Preview Ball 2022, na ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan, Miyerkules ng gabi, August 31, 2022.

Dito ay nagbigay ng pahayag ang TV host-comedian na pinagtatakhan niya ang isyung may away sila ni Ate Gay gayong wala raw problema sa pagitan nila.

"Actually, nakakatawa yung ‘nagkaayos’ kasi hindi naman kami nag-away nun. Kaya yung mga headlines na ‘nagkaayos si Ate Gay at si Vice Ganda,’ hindi naman kami nag-away to begin with,” saad ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang noong 2019, pabirong humirit si Vice tungkol sa naudlot na pagsali ni Ate Gay sa “Tawag Ng Tanghalan” contest ng It’s Showtime.

Inalmahan iyon ni Ate Gay noon.

Nang magkasakit si Ate Gay noong 2021, isa si Vice sa mga artistang nagpaabot ng pinansiyal na tulong kay Ate Gay.

Pero muli iyong nagdulot ng intriga nang isiwalat ni Ate Gay sa publiko ang halaga ng perang natanggap niya mula sa mga artistang tumulong sa kanya, kabilang si Vice.

Tila hindi naman na isyu iyon kay Vice.

WORK UPDATE

Sa kabilang banda, nahingan din ng reaksiyon si Vice sa pagbabalik sa It’s Showtime nina Anne Curtis at Jhong Hilario.

Matagal na nawala si Anne sa show mula nang siya ay mag-maternity leave noong December 2019; habang si Jhong ay nag-leave of absence din noong April 2021 sa ngalan ng safety ng sanggol nitong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Vice, "Mas less stress, mas less pressure kasi siyempre pag buo ang family mo.

“Mas buo ang nabibigay naming fun, mas buo yung entertainment na naibibigay namin sa madlang pipol, yun ang pinakamasaya dun.

“Alam namin na mas effective kami pag magkakasama.”

Excited din si Vice dahil nagsimula na ang pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan; at sa darating na Metro Manila Film Festival 2022 ay may entry siya kasama si Ivana Alawi.

"Ngayon pa lang kinikilig na ako na magko-collaborate kami ni Direk Cathy Garcia-Molina, at the same time, makakasama ko yung the most popular vlogger in the Philippines, ang napaka-sexy na si Ivana Alawi.

“For sure, kuwelang-kuwela kasi napahinga ako ng ilang taon kaya ngayon back to work kaya I'm excited."

May work-life balance si Vice dahil siniguro rin niyang going strong sila ng partner na si Ion Perez, taliwas sa kontrobersiyang inuugnay sa kanila kamakailan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Yes, masayang-masaya kami ni Ion. Very happy."

VICE AS MOST INFLUENTIAL AWARDEE

Tinagurian bilang isa sa 50 Most Influential ng Preview, labis ang pasasalamat ni Vice sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.

"I'm very grateful to Preview na nire-recognize nila ako as one of the 50 Most Influential. Nakakatuwa, nakakakilig yun.

“At the same time, medyo nakaka-pressure rin kasi may obligasyon yun, may responsibility being an influential celebrity.

“Tapos marami naman akong mga platforms. Siyempre mas marami kang mga platforms, mas malaki yung obligasyon mo sa mga nanonood sa iyo."

Pinasalamatan din ng TV host-comedian ang mga tagasuporta niya sa kanyang social media platforms.

"Yes, nakakatuwa nga kasi marami pa ring tao ang naaaliw sa akin. Kasi, kaya naman sila nagsu-subscribe sa channel ko sa YouTube, kaya nila ako pina-follow sa TikTok, pina-follow nila ako sa Instagram, sa Twittter, kasi feeling ko naaaliw sila sa akin, natutuwa sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun, mahal nila ako, nakakakilig yun na parami nang parami, lumalaki nang lumalaki yung following so hindi ako nakakaramdam ng, ‘Ay, baka di na ako napapansin. Baka di ka na relevant.’

“Masaya, masarap sa pakiramdam."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) clarifies it's wrong to say that he and Ate Gay (right) reconciled because there was no bad blood between them in the first place.
PHOTO/S: Sany Chua / @ategay08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results