Michael de Mesa leads Eigenmann clan's tribute to Cherie Gil

by Arniel C. Serato
Sep 2, 2022
Eigenmann’s family tribute to Cherie Gil
Michael de Mesa to late sister Cherie Gil: "I know you were with us—smiling, crying, and laughing at the beautiful memories we shared of you with each other. We miss you so much!"
PHOTO/S: Courtesy: @mdemesa24 on Instagram

Pinangunahan ni Michael de Mesa ang isang pagtitipon ng pamilya Eigenmann para sa namayapang kapatid na si Cherie Gil.

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

Sa Instagram ngayong araw, September 2, ibinahagi ni Michael sa kanyang followers ang ilang larawang kuha sa pag-alala nila sa award-winning actress.

Michael de Mesa and picture of sister Cherie Gil

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Michael, naramdaman nilang lahat na kapiling pa rin nila si Cherie.

Kahit daw nalulungkot sila, may ngiti pa rin sa kanilang mga labi dahil alam nilang kayakap na ni Cherie ang isa pa nilang yumaong kapatid na si Mark Gil.

Si Mark o Raphael John Eigenmann ay namayapa naman noong September 1, 2014.

Makikita sa isang group picture na kasama ang asawa ni Cherie na si Rony Rogoff at ang mga anak nilang sina Raphael at Bianca; si Michael at ang pamilya nito, kasama ang mga anak na sina Ryan at Geoff Eigenmann at ang kani-kanilang pamilya; ang mga pamangkin ng aktres sa pangunguna nina Gabby Eigenmann, Sid Lucero, Max Eigenenmann, at Andi Eigenmann; at mga apo.

Eigenmann's tribute to Cherie Gil

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buong caption ni Michael sa kanyang post: “I know you were with us—smiling, crying, and laughing at the beautiful memories we shared of you with each other. We miss you so much!

“But in our grief, we smile knowing that you are hugging Ralph again. We love you, Cherie! [heart emoji]”

Makikita naman sa Instagram Story ng asawa ni Michael na si Julie Eigenmann ang anak ni Cherie na si Bianca, na kumakanta habang naggigitara ang pinsan nitong si Sid.

Bianca Rogoff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian ng buhay si Cherie sa isang ospital sa New York City dahil sa endometrial cancer. Siya ay 59 years old.

Na-cremate ang kanyang mga labi sa New York.

Nakapagdaos din doon ng "Celebration of Life" para sa sumakabilang-buhay na showbiz icon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael de Mesa to late sister Cherie Gil: "I know you were with us—smiling, crying, and laughing at the beautiful memories we shared of you with each other. We miss you so much!"
PHOTO/S: Courtesy: @mdemesa24 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results