Kylie Verzosa still no communication with ex-boyfriend Jake Cuenca; is she ready to love again?

by Melba R. Llanera
Sep 3, 2022
Kylie Verzosa, Jake Cuenca
Miss International 2016 Kylie Verzosa says she's still in the process of moving on from breakup with Jake Cuenca, but maintains that she's open to meeting new people.
PHOTO/S: Sany Chua / @juancarloscuenca Instagram

Nanatiling tikom ang bibig nina Jake Cuenca at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa kanilang breakup.

Tanging pagkukumpirma lang sa kanilang Instagram ang naging paraan ng dalawa nang kumpirmahin na nauwi sa hiwalayan ang halos tatlong taon nilang relasyon at live-in set-up noong bandang huli.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilarawan ni Kylie na nasa proseso pa siya ng pagmo-move on at hiling niya ay magtuluy-tuloy na ito.

"It's doing much better, happy ako. Sana tuluy-tuloy. Di ko masasabi na 100 percent naka-move on, pero getting there, sana,” sambit ni Kylie.

Siniguro muli ni Kylie na wala siyang sama ng loob sa ex-boyfriend, pero aminado siyang hanggang ngayon ay di pa rin sila nakakapag-usap.

Sa ngayon, hindi nagmamadali si Kylie na pumasok sa panibagong relasyon.

"Hindi ako ready for a relationship, pero open ako na makipag-meet with other people.

"But so far wala pa naman akong nami-meet. In-allow ko na rin ang sarili ko na siguro puwede na akong makipagkita sa ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din namin si Kylie kung anu-ano ang aral na natutunan niya sa pakikipagrelasyon na nais niya i-apply sa susunod na boyfriend niya.

"Siguro always put yourself first and always leave a bit for yourself,” aniya.

READ: Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."

KYLIE ON MARRIED WOMEN JOINING MISS U

Sa kabilang banda, hiningan ng reaksiyon si Kylie sa bali-balita na papayagan na ng Miss Universe organization na sumali ang mga kandidatang may asawa at anak.

Wala pang pormal na anunsyo ang organisasyon ukol dito, pero may ilang beauty queens ang pabor sa posibilidad na ma-implement ito sa 2023.

Sabi ni Kylie, "For me kasi, ang standard ng beauty is set by also by organizations like that, so for me okay talaga yun sa akin.

"Women came from all different shapes, sizes, marital status.

"Nung nalaman ko na, okay they plan to include married women, oo nga naman women are beautiful—even more beautiful because they are mothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me, to say na di na sila maganda just because they are mothers or married…

"Para sa akin mas naging diverse, mas naging inclusive with that decision. I like it."

KYLIE ON BEING DABBED AS PREVIEW'S STAR ICON

Masayang-masaya at proud naman si Kylie na pinagkaloob sa kanya sa katatapos na Preview Ball 2022 ang tropeo bilang Star Icon category.

READ: SPOTTED: Celebrities at the Preview Ball 2022 (Part 2)

"Binigay sa akin yung Star Icon. I am super honored. I think it's the first fashion award that I got.

"Parang I just wanna celebrate youth kasi fashion is so empowering. When you feel good about yourself and when you feel good about what you wear, nag-e-exude din ang beauty mo outside."

Nagte-trending din sa social media ang pagiging fashionista ni Kylie kung saan inaabangan ng netizens ang outfits niya.

"Honestly, super cute and nakakataba ng puso that a lot of, not only girls, kids are also qualing the looks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro I'm also in the stage of my life where I kinda wanna celebrate happiness and being free and being youthful again.

“What I feel inside na I wanna exude also in the outside. I think that's why my style says it all recently.

“Kasi masaya ako, e, and I just wanna express it the way I dress. I wanna thank also my stylist siyempre Perry Tabora na sinusunod niya lang talaga ang gusto ko.

“I tell him what I wanna look like, nagse-send ako ng mga pegs, sinusunod naman niya."

ON BEING NOTICED BY PARIS HILTON

Kahit ang international celebrity na si Paris Hilton ay di napigilang magkomento sa comments section sa TikTok na pinost ni Kylie sa suot niya nang minsang maghurado siya sa It's Showtime.

Pinuri ni Paris ang outfit ni Kylie at nagtanong kung saan galing ang suot ng beauty queen.

Masayang-masaya naman si Kylie sa papuri na tinanggap mula rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I had to double check kung siya ba talaga yun, I had to double check, triple check kung siya ba talaga yun.

“She commented twice and parang feeling ko, ‘Oh my god!’ Parang, ‘Kylie, moment mo ito!’

“Nakakataba ng puso, I message her na, "Girl, this is from a Filipino designer, I’ll let you know,’ parang ganun."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2016 Kylie Verzosa says she's still in the process of moving on from breakup with Jake Cuenca, but maintains that she's open to meeting new people.
PHOTO/S: Sany Chua / @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results