Heart Evangelista gets emotional in middle of shoot in Paris

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 7, 2022
Hear Evangelista turns emotional
After revealing that she's been going through "personal stuff," Heart Evangelista had an emotional moment in the middle of a fashion magazine photo shoot in Paris, France.
PHOTO/S: Screengrab @Heart Evangelista Instagram

Tears of joy o tears of sadness?

Palaisipan ngayon sa netizens kung bakit naging emosyunal ang aktres na si Heart Evangelista sa gitna ng kanyang photo shoot sa Paris, France.

Sa kanyang Instagram stories nitong Martes, September 6, 2022, nag-upload si Heart ng video kung saan makikita ang kanyang paghikbi at pagpunas niya sa kanyang luha habang sinusuotan siya ng kuwintas.

"It was a moment," makikitang caption sa video.

Maririnig din sa video ang mahinang pagtawa ng kanyang staff at kinalauna'y nakitawa na rin si Heart.

Hindi ipinaliwanag ni Heart kung ano ang nagpaiyak sa kanya ngunit may espekulasyon ang fans na baka dahil ito sa kanyang kasalukuyang pinagdaraanan.


HEART'S PERSONAL STRUGGLES

Noong September 2, 2022, inamin ni Heart sa kanyang YouTube vlog na may pinagdadaanan siyang “personal stuff."

Wala man siyang direktang sinabi kung ano ito, tila naging palaisipan sa netizens ang mga binitawan niyang salita na hangad niyang maging independent at empowered woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I’m not gonna lie, I’ve been going through, like, a lot of personal stuff in my mind.

"And I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles.

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy.”

Read: Heart Evangelista admits going through "personal struggles": "I am really in a search for just being happy."

Nagsimulang umugong ang isyung may pinagdadaanan sila ng asawang si Senator Chiz Escudero nang tanggalin ni Heart ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram handle noong Agosto.

Kasunod nito ay may netizens ding nakapansing hindi na suot ng Kapuso actress ang kanyang wedding ring sa isang OOTD photo na ipinost nito sa Instagram.

Read: Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?

Samantala, bago mag-post ng Instagram stories si Heart na naluluha ay nag-post siya ng ilang behind-the-scene reels sa kanyang magazine photoshoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Caption niya (published as is), "@lofficielph x @bulgari cover through the eyes of my dear @justinlouisesoriano.thank you so much to the whole team for this wonderful experience.

Sa ngayon ay wala pang pahayag mula kina Heart at Chiz kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After revealing that she's been going through "personal stuff," Heart Evangelista had an emotional moment in the middle of a fashion magazine photo shoot in Paris, France.
PHOTO/S: Screengrab @Heart Evangelista Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results