Cecile Ongpauco reacts to rumored marital problem of daughter Heart Evangelista and Chiz Escudero

by Arniel C. Serato
Sep 8, 2022
Cecille Ongpauco comments on Heart-Chiz rumored marital problem
Cecile Ongpauco says she's unaware of rumored breakup of daughter Heart Evangelista and husband Senator Chiz Escudero: "I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
PHOTO/S: Courtesy: File / @iamhearte on Instagram

Naniniwala si Cecile Ongpauco na malalampasan ng anak na si Heart Evangelista at mister nitong si Senator Francis “Chiz” Escudero kung may katotohanan man ang alingasngas na diumano’y may pinagdadaanan ang mag-asawa.

Sa panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News ngayong Huwebes, September 8, 2022, sinabi ng ina ni Heart na ipinagdarasal niya ang dalawa.

Alam din daw niyang “mature and grounded person” ang manugang na si Chiz kaya maligaya siya para kay Heart.

Pahayag ni Cecile, “It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!

"I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

Nilinaw naman ni Cecile na wala siyang alam kung may isyung namamagitan kina Heart at Chiz.

Diin niya, “I have not spoken to anybody.”

Dagdag pa sa ulat, walang ilalabas na pahayag ang opisina ng mambabatas sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinabulaanan na rin ng GMA Network sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kumakalat na balitang maglalabas umano sila ng statement na totoong hiwalay na ang kanilang alagang si Heart at asawa nitong si Chiz.

Read: GMA Network debunks report that it is confirming Heart Evangelista-Chiz Escudero "breakup"

THE RUMORED BREAKUP

Ilang linggo nang usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz na may pinagdadaanan umanong marital problem sa pagitan ng mag-asawang Heart at Chiz.

Lalo pa itong umingay nang tanggalin ni Heart ang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram handle.

Mas lalo itong nagatungan nang ilabas ni Heart ang YouTube vlog niya noong September 2, 2022.

Dito ay inamin ni Heart na may pinagdadanaan siyang "personal stuff" na laman ng kanyang isip lately.

Walang direktang sinabi si Heart kung ano ang pinagdadaanan niya, pero makahulugan ang mga salita niya.

Idiniin ng Kapuso actress ang hangad niyang maging independent at empowered woman, at sinusulit ang oras kasama ang kanyang dalawang alagang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “I’m not gonna lie, I’ve been going through, like, a lot of personal stuff in my mind."

Sa kabila nito, aniya, “I’m still very, very grateful.”

Nagpapakapositibo rin daw siya.

Sinabi pa ni Heart na “less filtered” pagdating sa YouTube kaya mas nagiging totoo siya.

Giit muli ni Heart: “And I’m not gonna deny that I’ve been going through, like, some personal struggles…

“Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy.”

Read: Heart Evangelista admits going through "personal struggles": "I am really in a search for just being happy."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cecile Ongpauco says she's unaware of rumored breakup of daughter Heart Evangelista and husband Senator Chiz Escudero: "I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
PHOTO/S: Courtesy: File / @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results