Julia Barretto on Joshua Garcia’s rumored romance with Bella Racelis: “Good for the both of them.”

by Khryzztine Joy Baylon
Sep 8, 2022
Julia-Joshua-Bella
Julia Barretto: “Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang, ha… E, kasi siyempre dapat pag past na, ile-let go mo na 'yan. Dapat walang bitterness, at saka dapat magkakaibigan lang... Kung saan siya masaya, doon tayo masaya.”
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Hindi naiwasan ni Julia Barreto na magbigay ng reaksiyon sa balitang nauugnay ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia sa YouTuber na si Bella Racelis.

Sa "Maritest" segment ng Tropang LOL nitong Huwebes, September 8, 2022, naging guest player si Julia kung saan isa sa mga tanong sa kanya ay may kinalaman sa dati niyang nobyo na si Joshua.

Tanong kay Julia ng host na si Matteo Guidicelli: “Sinong sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis — dahil madalas i-like ni aktor ang mga post ni girl?”

Ang mga pagpipilian ay sina Diego Loyzaga, Alden Richards, Donny Pangilinan, at Joshua.

Sa una’y hindi pa sigurado si Julia sa kanyang isasagot ngunit sinabihan siya ng crew ng TV5 noontime show na madali lang ito.

Sa huli ay pinili rin niyang isagot si Joshua sa paniniwalang ma-like ang dating boyfriend.

Matapos kumpirmahin ni Matteo na tama ang kanyang sagot, hindi na naiwasang magbigay ng reaksyon ni Julia nang ipakita sa screen ang nag-viral na litrato nina Joshua at Bella na magkasama sa isang party sa BGC sa Taguig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Approved ka ba sa kanila?” sundot na tanong ni Matteo.

Sagot ni Julia, “Sobrang Marites mo, Matty. Approved… approved, kung saan ang happiness, doon tayo.

“Oh, that’s nice, that’s nice. Good for the both of them.

“That’ good. That’s good. Masaya tayo.”

Samantala, bago pa man sagutin ni Julia ang tanong tungkol kay Joshua ay mariin niyang iginiit ang naging pahayag ni Matteo na para raw “malagkit at medyo sensitive” ang aktres pag nababanggit ang pangalan ng dati nitong boyfriend.

Paglilinaw ni Julia, hindi siya sensitibo kung mabanggit at mapag-usapan man ang dati niyang nobyo.

Saad niya, “Hindi ako sensitive, Matty. Iko-correct ko lang, ha… E, kasi siyempre dapat pag past na, ile-let go mo na 'yan.

“Dapat walang bitterness, at saka dapat magkakaibigan lang."

Dagdag pa niya, “Kung saan siya masaya, doon tayo masaya.”

Sa kasalukuyan ay usap-usapan pa rin kung ano nga ba ang totoong relasyon nina Joshua at Bella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay matapos mapansin ng netizens ang madalas na pag-like at comment ni Joshua sa Instagram posts ni Bella.

Nag-iwan din ng palaisipan sa fans ng Kapamilya actor nang itampok nito sa kanyang photography Instagram account ang mga kuha niyang larawan at video kay Bella.

Read: "Tapos na pila"? Joshua Garcia's video of Bella Racelis fuels romance rumor

Si Julia ang huling nakarelasyon ni Joshua. Taong 2019 nang sila ay maghiwalay matapos ang dalawang taong relasyon.

Read: Julia Barretto, Joshua Garcia confirm two-year relationship

Si Gerald Anderson naman ngayon ang karelasyon ni Julia.

READ MORE:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto: “Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang, ha… E, kasi siyempre dapat pag past na, ile-let go mo na 'yan. Dapat walang bitterness, at saka dapat magkakaibigan lang... Kung saan siya masaya, doon tayo masaya.”
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results