Vice Ganda throws shade at Idol Philippines Season 1 winner Zephanie

by Erwin Santiago
Sep 19, 2022
vice ganda zephanie smiling
Vice Ganda and Zephanie become trending topics on Twitter after the Kapamilya host-comedian threw a shade at Idol Philippines Season 1 winner Zephanie. When asked for a message for the Idol Philippines Season 2 winner, Vice said, "Sana mag-stay ka muna dito sa network na 'to."
PHOTO/S: Kapamilya Channel / Sparkle

Trending topic sa Twitter hanggang ngayon sina Vice Ganda at Zephanie Dimaranan.

Ito ay dahil sa tila pagpaparinig ni Vice kay Zephanie sa grand finals ng singing search ng ABS-CBN na Idol Philippines Season 2 na ginanap nitong Linggo ng gabi, September 18, 2022.

Special guest si Vice kung saan nag-perform siya ng kantang "Pearly Shells" at bilang promo na rin para sa nalalapit na pagsisimula ng second season ng kanyang game show na Everybody Sing.

Matapos siyang mag-perform ay hiningan siya ng host na si Robi Domingo ng mensahe para sa bagong hihiranging Idol Philippines grand winner.

Simula ni Vice, "Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunities sa 'yo."

Tumigil sandali si Vice at natatawang dugtong niya, "Sana mag-stay ka muna dito sa network na 'to."

Nakita naman sa camera na parehong nagtakip ng bibig ang Idol Philippines judges na sina Moira dela Torre at Regine Velasquez nang marinig ang sinabi ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maririnig din ang natatawang reaksiyon ng live audience.

Singit naman ni Robi, "Whatever happens, Kapamilya forever."

Seryosong pagpapatuloy ni Vice, "Hindi, sa mananalo at pati sa lahat ng mga sumali at nagsimula na ang kanilang singing career, tapangan ninyo.

"Tapangan ninyo. Kasi, lahat maraming talent, pero hindi lahat matapang kaya bumibigay agad sa napakaraming pagsubok na haharapain ninyo.

"Hindi easy ang showbiz, ha. Hindi ito easy money. Akala nila easy money.

"Ang dami mong isasakripisyo dito at lahat 'yon kailangan may kasamang tapang. Tapangan ninyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala mang binanggit na pangalan si Vice, mahihinuhang ang pahaging niya ay tungkol sa Idol Philippines Season 1 winner na si Zephanie.

Isa si Vice sa judges ng Season 1 ng reality-based singing competition ng Kapamilya network noong 2019, kasama sina Regie, Moira, at James Reid.

Si Zephanie ang itinanghal na grand Idol winner noong 2019. Pero pagkalipas lamang ng tatlong taon ay lumipat siya sa bakuran ng GMA-7 nitong 2022. Bahagi na siya ngayon ng All-Out Sundays.

Read: Idol Philippines winner Zephanie signs with GMA-7's Sparkle

Samantala, ang itinanghal na grand winner sa Idol Philippines Season 2 ay ang 22-anyos na si Khimo Gumatay. Tinalo niya ang iba pang finalists na sina Ryssi Avila at Kice So.

Read: Khimo Gumatay wins Idol Philippines Season 2

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Zephanie become trending topics on Twitter after the Kapamilya host-comedian threw a shade at Idol Philippines Season 1 winner Zephanie. When asked for a message for the Idol Philippines Season 2 winner, Vice said, "Sana mag-stay ka muna dito sa network na 'to."
PHOTO/S: Kapamilya Channel / Sparkle
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results