Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

by Rachelle Siazon
Sep 19, 2022
Vhong Navarro Deniece Cornejo acts of lasciviousness
Eight years after junked rape complaints against him, Kapamilya actor Vhong Navarro is charged with acts of lasciviousness in Deniece Cornejo case. Seen on the upper right photo is a screengrab from the CCTV showing Deniece inside the elevator at the condo where she resides in. It was reportedly taken a minute after Vhong arrived at her place on the night of January 22, 2014. Seen on the lower right photo are snaps of Deniece at Vhong during their appearance before the DOJ office in 2014.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / CCTV screengrab / Mark Atienza for PEP.ph

Sinampahan ng kasong acts of lasciviousness si Vhong Navarro dahil sa insidenteng sekswal na pang-aabuso niya umano kay Deniece Cornejo.

Naganap ang sinasabing insidente noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.

Ang presiding judge na si Judge Angela Din ng Metropolitan Trial Court ng Taguig City ang nagsabing may “probable cause” para litisin ang kaso.

Pinatawan ng piyansang PHP36,000 si Vhong, base sa resolusyon noong September 15, 2022.

Boluntaryong sumuko si Vhong ngayong Lunes, September 19, 2022.

Kasama ng kanyang legal counsel na si Alma Mallonga, humarap sa korte at nagpiyansa ang Kapamilya actor-TV host.

Nanindigan ang kampo ni Vhong na walang katotohanan ang bintang sa kanyang sekswal na inabuso niya si Deniece.

Sa opisyal na pahayag ni Atty. Mallonga, inulit niya ang timeline of events na naganap sa pagitan nina Vhong at Deniece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinunto ng abugada na nakunan ng CCTV si Deniece na sakay ng elevator isang minuto matapos nakalabas si Vhong sa elevator papunta sa condo unit ng dalaga.

Ani Mallonga (published as is and itals provided), " After she enters the elevator, she is smiling, even apparently suppressing giggles, as she looks at her reflection, making it clear she was not a victim of rape, attempted rape, or acts of lasciviousness.

"Ms. Cornejo’s rape complaint was DISMISSED. She, along with other accused, was charged with Serious Illegal Detention and Grave Coercion. Trial has been ongoing with respect to the Serious Illegal case, and she was convicted along with Mr. Cedric Lee of Grave Coercion in 2018."

Ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Taguig at Secretary ng Department of Justice ang reklamong rape ni Deniece laban kay Vhong noong 2014.

Binaliktad ng Court of Appeals ang desisyong iyon nitong July 2022.

Hindi naman maintindihan ng legal counsel ni Vhong ang pag-akyat ng kaso sa Taguig court nang wala pang final resolution ang Court of Appeals kunsaan may nakabinbing motion for reconsideration ang kampo ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabilang banda, hanggang sa kasalukuyan ay nililitis pa rin sa korte ang kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog at pangingikil umano ng grupo nina Deniece at Cedric kay Vhong.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eight years after junked rape complaints against him, Kapamilya actor Vhong Navarro is charged with acts of lasciviousness in Deniece Cornejo case. Seen on the upper right photo is a screengrab from the CCTV showing Deniece inside the elevator at the condo where she resides in. It was reportedly taken a minute after Vhong arrived at her place on the night of January 22, 2014. Seen on the lower right photo are snaps of Deniece at Vhong during their appearance before the DOJ office in 2014.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / CCTV screengrab / Mark Atienza for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results