Dennis Padilla asks Karen Davila to get his side after Julia Barretto's tell-all

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2022
Dennis Padilla wants an interview with Karen Davila
Dennis Padilla (left) appeals to ABS-CBN broadcaster Karen Davila (right photo, right) to interview him also after her vlog with daughter Julia Barretto (right photo, left) became viral.
PHOTO/S: File / @iamkarendavila on Instagram

Hindi nakapagtimpi si Dennis Padilla at siya na mismo ang humiling kay ABS-CBN broadcaster Karen Davila na kapanayamin siya nito para sa kanyang panig.

Kaugnay ito ng mga inihayag ng anak ni Dennis na si Julia Barretto sa vlog ni Karen na ipinost sa YouTube noong September 15, 2022.

Sa nasabing interview, inamin ni Julia na hindi sila on speaking terms ng amang si Dennis dahil paulit-ulit na lang daw ang pangyayaring ayos-bati sa pagitan nila.

Pahayag ng aktres, “I'll be very honest, we have not spoken, and it's because there's just so much fear inside me now, if I'm being very open.

“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.

“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.

"And, you know, I've just been praying also na, I don’t know... maybe in God's time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rin daw handang patawarin ni Julia ang ama.

Read: Julia Barretto on forgiving dad Dennis Padilla: “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready.”

Sa Instagram post ni Karen tungkol sa panayam niya kay Julia, nagkomento si Dennis kahapon, September 18.

Mensahe ng komedyante sa broadcaster, “Karen dapat malaman mo side ko naman para clear… Nagtext ako”

Dagdag pa niya, “Karen… interview mo ko para fair… Para di bias… Nagtext ako syo pakireply ty”

Hindi naman siya sinagot nito, kaya komento niyang muli, “Karen nagtext ako paki reply… Ty”

Tanong pa ni Dennis, “When mo ko interview??? Para klaro”

Dennis Padilla comments on Karen Davila IG post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero binura rin ni Dennis ang kanyang mga komento sa post ni Karen.

Sa isa pang buradong post ni Dennis sa Instagram, sinagot siya ni Karen at sinabihang nag-text na ito sa kanya.

Dennis Padilla Karen Davila comments

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla (left) appeals to ABS-CBN broadcaster Karen Davila (right photo, right) to interview him also after her vlog with daughter Julia Barretto (right photo, left) became viral.
PHOTO/S: File / @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results