Philippine Eagle natagpuang patay sa Sarangani

by Bernie V. Franco
Sep 20, 2022
philippine eagle
Kumokonti na sila. Isang Philippine Eagle ang natagpuang patay sa dalampasigan ng Maasim, Sarangani Province nitong Lunes, September 19, 2022. Isasailalim ito sa necropsy para matukoy kung ano ang ikinamatay nito.
PHOTO/S: DENR Soccsksargen

Isang Philippine Eagle ang natagpuang patay sa Sarangani Province noong September 19, 2022, dakong 9:30 a.m.

Dinala ito sa Philippine Eagle Center sa Davao City para makapagsagawa ng necropsy at matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

Tinatayang apat o limang oras nang patay ang agila nung natagpuan ito ng isang government employee sa Purok Maguid, Barangay Daliao sa Maasim town.

Ayon sa post ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Soccsksargen, “No tag or chips were noticed in the raptor upon the inspection. It weighed 5.6 kilograms, has a 102 centimeter length and 188 cm wingspan."

philippine eagle dead

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natagpuan ang patay na Philippine Eagle bandang 9:30 a.m. nitong Lunes, September 19, 2022.

Read:

TRIVIA ABOUT THE PHILIPPINE EAGLE

Ang Philippine Eagle, na tinatawag ding monkey-eating eagle, ay itinuturing na critically-endangered species.

Isa ito sa largest eagles in the world.

Sa isang 2021 report, tinatayang mayroon na lamang 400 natitirang nesting pairs ng Philippine Eagle sa mga kagubatan.

Samantala, sa report ni Kuya Kim Atienza sa 24 Oras noong April 2022, ibinahagi niyang monkey-eating eagle ang unang tawag dahil inakala ng mga katutubo noon na unggoy lamang ang kinakain nito.

Pero noong 1960s, nadiskubreng pure carnivore ang Philippine Eagle at ang kinakain nito ay maliliit na mammals at reptiles.

Unang nadiskubre ang Philippine Eagle sa Paranas, Samar noong 1896 ng British explorer at naturalist na si John Whitehead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 1995, idineklara itong national bird of the Philippines.

Noong nakaraang taon, ang Philippine Eagle ang inilagay na larawan sa bagong PHP1,000 polymer bill.

Ang sinumang mapatunayang nanghuhuli at pumapatay ng critically endangered species na ito ay maaaring makulong ng hanggang 12 years.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumokonti na sila. Isang Philippine Eagle ang natagpuang patay sa dalampasigan ng Maasim, Sarangani Province nitong Lunes, September 19, 2022. Isasailalim ito sa necropsy para matukoy kung ano ang ikinamatay nito.
PHOTO/S: DENR Soccsksargen
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results