Eraserheads drummer Raymund Marasigan on Marcus Adoro issue: “Hope they all find peace of heart and mind.”

by Bong Godinez
Sep 21, 2022
raymund marasigan marcus adoro
Raymund Marasigan (left) on Marcus Adoro's (right) domestic abuse issues: “If you’re my friend, seek me out [and] we can talk about it privately. Publicly on social media, any statement can be misconstrued. Nobody wins.”
PHOTO/S: Instagram

Excited na ang fans ng Eraserheads sa paparating na reunion concert ng banda bago matapos ang taon.

Kinumpirma mismo nina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raymund Marasigan ang magandang balita matapos i-post ng apat sa kani-kanilang Instagram account ang promo poster ng concert nitong Lunes, September 19, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago iyon ay nag-post din ang apat ng teaser sa kanilang social media nung Sabado, September 17, na nagpa-excite sa kanilang mga tagahanga na umaasa na muling makita ang iconic '90s Pinoy band na magkakasama sa isang stage.

Gaganapin ang concert na pinamagatang Huling El Bimbo — hango sa pamagat ng hit song ng grupo noong 1996 sa December 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

MARCUS ADORO ISSUE

Kasabay sa pagputok ng balita ay ang pagkabuhay muli ng kontrobersiya na kinasangkutan ng gitarista ng grupo na si Marcus Adoro.

Taong 2019 nang akusahan si Marcus ng kanyang anak, ang singer na si Syd Hartha, ng physical at emotional abuse.

Maging ang aktres at dating kasintahan ni Marcus na si Barbara Ruaro ay nakaranas din diumano ng pang-aabuso sa kamay ng ex-Eraserheads guitarist.

Nag-post pa si Barbara ng larawan sa social media na nagpapakita ng kanyang pasa at sugat sa mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This happened to me yesterday, on top of other cuts, bruises, and almost a year of psychological manipulation, done by someone I loved and cared for deeply,” saad ni Barbara sa kanyang post noong September 6, 2019.

Ito ang mitsa ng agam-agam ngayon ng ilang tagahanga ng Eraserheads na suportahan ang reunion concert ng grupo sa darating na Disyembre.

May mga nananawagan ding huwag na lang isama si Marcus at kumuha na lang ng pamalit na gitarista na puwedeng tumugtog para sa grupo sa araw ng concert.

THE DRUMMER SPEAKS

Sa isang artikulo na isinulat ni Kara Bodegon-Hikino at nilabas sa music at entertainment website na Bandwagon kahapon, September 20, ay nagpahayag ng saloobin ang Eraserheads drummer na si Raymund Marasigan tungkol sa kontrobersiya.

Maingat na sinagot ni Raymund ang isyu kay Marcus at sa pribadong buhay nito.

Obvious na marami ang nagtatanong kay Raymund at nais makuha ang kanyang reaksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If you’re my friend, seek me out [and] we can talk about it privately. Publicly on social media, any statement can be misconstrued. Nobody wins,” saad ni Raymund.

“I hope the issue between the parties gets resolved soon. I really want to respect the privacy of those involved, and sincerely hope they all find peace of heart and mind.”

Ano mang araw ngayong linggo ay maglalabas ng panibagong episode ang podcast at YouTube show ni Raymund na Offstage Hang at sasagutin niya ang katanungan ng fans patungkol sa Eraserheads at sa kanilang reunion concert.

Inaabangan din kung muling magkokomento si Raymund tungkol sa isyu na kinakaharap ng gitarista at dating kabanda.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymund Marasigan (left) on Marcus Adoro's (right) domestic abuse issues: “If you’re my friend, seek me out [and] we can talk about it privately. Publicly on social media, any statement can be misconstrued. Nobody wins.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results