Are Jeric Gonzales and Rabiya Mateo back in each other’s arms?

by Arniel C. Serato
Sep 23, 2022
Jeric Gonzales reveals he and Rabiya Mateo remained good friends after breakup
Actor Jeric Gonzales on ex-girlfriend Rabiya Mateo: "Ang hirap sabihin na nagkabalikan. Mas gusto lang muna namin sabihin na we're good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

“Good friends” daw sina Kapuso actor Jeric Gonzales at beauty queen-actress Rabiya Mateo.

Ito ang sinabi ni Jeric matapos napabalita ang hiwalayan nila noong June 2022.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast kahapon, September 22, sinabi ng aktor na nananatili silang magkaibigan ni Rabiya matapos silang maghiwalay.

Sabi ni Jeric sa GMA News reporter na si Nelson Canlas, “After what happened, of course the controversies and the issues, nag-stay kami na friends, good friends.”

Inusisa rin ang Kapuso acor kung nagkabalikan ba sila ng dating girlfriend.

Sagot ni Jeric, “Ang hirap sabihin na nagkabalikan. Mas gusto lang muna namin sabihin na we're good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit niya, hindi bad breakup ang nangyari sa kanila.

Saad ng Start-Up PH actor, "Hindi kami yung nag-break as in wala na talaga, nag-away, ganun. We want it private na ganito lang na we're in good terms.”

Tanong pa sa kanya: posible palang maging good friends muli ang mag-ex?

Tugon ni Jeric, “Yes, kasi kami, wala naman talaga kaming pinag-awayan, pinagtalunan na ano, issue.

“Siguro, priorities lang talaga as of now kasi we're both busy. Pagka nagkaroon pa ng ibang isyu sa showbiz ang hirap, e, maraming taong nakikialam, maraming issues na darating sa kanya, sa akin.

"So, mas healthy na ano, focus kami sa work pero at the same time, okay naman kami.”

Napabalitang naghiwalay sina Jeric at Rabiya matapos ang tatlong buwan lamang nilang relasyon.

Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?

Nag-unfollow pa nga sila sa isa’t isa sa Instagram.

Pero ngayon, pareho na nilang pina-follow muli ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namataan din ang dalawa na magkasama sa lobby ng Shangri-La The Fort sa BGC pagkatapos ng GMA Gala Night noong July 30, 2022.

Jeric Gonzales remains good friends with Rabiya Mateo

Jeric Gonzales remains good friends with Rabiya Mateo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Jeric Gonzales on ex-girlfriend Rabiya Mateo: "Ang hirap sabihin na nagkabalikan. Mas gusto lang muna namin sabihin na we're good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results