May opinyon ba si Alden Richards tungkol sa sinasabing "napag-iiwanan" ang ibang singles dahil hindi pa nag-a-asawa?
"There's no such thing," sagot ni Alden sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa on-cam interview sa kanya sa Summit Sessions,
Napapangiting kuwento pa ng Start-Up PH actor, "Again, sa Filipino culture kasi, we're a culture of deadlines. Trust me, I know, lola ko ganyan, e.
"Yung parang at a certain age, 'Dapat ganito ka na. Sabi ko, 'La, 2022 na, iba na ang takbo ng buhay ngayon.'
"So, darating din iyan, wag ka mag-alala."
Ang mahalaga ay gamitin sa tama ang "season of waiting" para sa nais magkaroon ng karelasyon.
Payo ni Alden, "Invest in yourself first. Love yourself first."
Sa nasabing event, hiningan naman ng advice ng Cosmo.ph si Alden para sa mga single na nahihirapan humanap ng pag-ibig dahil sa pandemya.
Hindi raw naniniwala si Alden na may kinalaman ang COVID-19 pandemic sa pagiging single ng isang tao.
Aniya, "I don't know kung bakit ganoon ang naging connotations sa singles especially when it comes to pandemic. Baka hindi naman.
"First and foremost, it's a relationship between two people. And it's your choice if you want to make that difficult for your partner.
"Your attitude, your way, your take on love, siguro yun talaga ang mag-mamatter.
"It's not really about the current situation. Puwede mo itabi mo iyan."
Paliwanag pa ng Asia's Multimedia Star, "It's more personal, more emotional, and mental as well.
"It's your choice talaga if you don't wanna be single anymore. Pero wag mong ipilit.
"That's one thing I've learned. There's always a perfect time for that."
- Herlene Budol accuses former talent manager of "pocketing" her talent fee worth P1M
- Jowa reveal! Kapuso Atom Araullo posts couple photo with Kapamilya Zen Hernandez
- Christopher de Leon recalls dark phase in his life: "Nalulong ako sa masamang bisyo."
ON VALUE OF SELF-WORTH
Isa pang sinagot ni Alden sa Summit Sessions ay ang tanong ng isang fan kung posibleng mahulog ang loob niya sa isang fan.
Binale ni Alden ang kaisipan ng pag-ibig base sa estado ng isang tao.
Paliwanag niya, "I don't know. For me kasi, yung celebrity and fan relationship, parang ang layo, parang heaven and earth ang dating.
"My message to the fans, don't take yourselves for granted. Don't take yourselves too low for the idols that you have.
"You are worth it."
