Ipinagdiwang ni Tom Rodriguez ang kanyang ika-35 kaarawan nitong nakaraang October 1, 2022.
Pero isang araw bago pa siya magdaos ng selebrasyon, nakausap ang aktor ni Ogie Diaz noong September 30, 2022.
Tinanong ni Ogie si Tom kung ano ba ang kanyang birthday wish.
Ayon kay Tom, parang halos lahat ng kanyang nais ay natupad na. Isa rito ay parang nalagpasan na rin niya ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.
Wala mang binanggit ang Kapuso actor, hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng asawang si Carla Abellana.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?
Panimula ni Tom, “Birthday wish ko? Actually, halos lahat ngayon natupad na. I’ve been through a dark night of the soul these past few months.
“A lot of things that I didn’t think I would make it through.
“But my family has been all throughout. The kindness of strangers. People I’ve just met. People I’ve known before, who have truly helped me along.
“Kaya sabi ko nga, like I never felt like I was alone throughout the whole process.”
Dagdag pa niya, sana raw ay magpatuloy ang ganitong pangyayari sa buhay niya upang maibalik na rin niya ang respeto sa sarili.
Saad pa ni Tom, na ngayon ay kasalukuyang nakatira sa kanyang pamilya sa Arizona, U.S.A, “Kahit gaano kahirap minsan. I’m happy. So right now, wala na. Sana continuous na lang.
“Sana I can keep going in this new path, in this new chapter of my life na may respeto sa sarili ulit.
“And I can keep continue towards the righteous path.”
Inusisa naman siya ni Ogie kung bakit sa tingin niya ay nawala ang respeto niya sa sarili nitong mga nakaraang panahon.
Kuwento ni Tom, “May mga points. May mga times. Pero I’m glad it’s not the case anymore.”
“BUUIN YUNG SARILI KO”
Ano pa kaya ang iba niyang hangad sa kanyang kaarawan?
Lahad ni Tom, “Just, hopefully, like happy, healthy hearts and healing for everyone. I mean everyone in the world.
“Na sana mapatawad nating lahat ang mga sarili natin first and foremost at ang isa’t isa.”
May komunikasyon na kaya siya sa estranged wife niyang si Carla?
Tugon nito, “I would rather refrain na lang po from commenting. I’m happily moving on in my own path. I hope, I wish the same for her.”
Sa ngayon daw, nais munang ituon ni Tom sa sarili ang kanyang atensiyon.
Aniya, “Right now, gusto kong buuin yung sarili ko. Ini-enjoy ko ‘tong... na binubuo ko yung sarili ko.
"And yet I’m not stopping or closing my doors to anything, experiences, or anyone here. So, I’m just enjoying. Enjoying my life.”
THE BREAKUP
Ikinagulat ng karamihan ang biglaang hiwalayan nina Tom at Carla noong January 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.
Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.
Ito ay ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.
Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.
Kasunod na lumutang ay ang balitang nagpapahanda na umano si Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.
Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana
Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.
Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth
Noong nakaraang June 16, ginulat ni Carla ang maraming netizens sa kanyang mga pasabog laban sa estranged husband.
Sa isang mahabang komento nito sa isang YouTube vlog niya, inilabas ni Carla ang kinikimkim na galit laban kay Tom sa loob ng pitong taong pagsasama nila bilang magkasintahan hanggang sa sila ay magpakasal.
“No comment” naman ang simpleng tugon ng kampo ni Tom sa mga ibinunyag ng nakahiwalayang asawa.
Hindi na makikita ang pahayag ni Carla kinabukasan, June 17, dahil naka-turn off na ang comments section ng mga vlogs ng aktres.
Read: Carla Abellana turns off comments section of YouTube vlog after dropping bombs against Tom Rodriguez
Sa parehong araw, si Tom naman ang naglabas ng kanyang pahayag ukol sa hiwalayan.
Dito ay sinabi ng aktor na sinukuan ni Carla ang kanilang pagsasama sa kabila ng kanyang "efforts." Hindi na raw nadaan sa maayos na usapan ang kanilang gusot.
Silang dalawa lamang daw ng estranged wife ang nakakaalam ng katotohanan.
Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced
