Lalong pinapatunayan ng real-life couple na sina Julia Barreto at Gerald Anderson sa publiko na going strong sila at walang katotohanan ang espekulasyong break na sila.
Read: Kylie Padilla quashes rumor she's pregnant with Gerald Anderson's child
Ito'y matapos bigyan ng malisya ng mga netizens ang ugnayan ni Gerald at ni Kylie Padilla, na nagtambal sa pelikulang Unravel, kung saan dito ay sinasabing nabuntis daw ng Kapamilya actor si Kylie.
Sa Instagram post ni Julia na in-upload nitong Martes, October 4, 2022, makikita ang sweetness nila ng kanyang nobyo na si Gerald habang sila ay nasa bakasyon sa Singapore.
Agaw-pansin din sa mga picture na ini-upload ni Julia ang litrato nila ni Gerald na magkayakap habang naghahalikan sa Marina Bay Sands, isa sa sikat na tourist spot sa Singapore.
Caption ng aktres (published as is), “Sorry no update the past few days, been on vacation mode and it’s been so nice to spend some quality time with RJ.
RJ ang palayaw ni Gerald.
"Excited to share memories collected this weekend."
Magkasama rin silang nanood ng Singapore F1 Grand Prix noong Sabado, October 1, 2022.
Makikita ito sa kanilang Instagram Stories noong mga nakaraang araw na sweet at mukhang enjoy na enjoy sila.



Ginanap ang F1 race at concert event sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore.
GOING STRONG
Noong September 15, 2022, unang nagbigay ng pahayag si Julia tungkol sa kumakalat na balitang hiwalay na sila ni Gerald.
Sa YouTube vlog ni Karen Davila, nilinaw ni Julia na walang katotohanan ang nasabing tsismis at never daw silang naghiwalay ng kanyang nobyo.
Read: Julia Barretto breaks silence on alleged breakup with Gerald Anderson: "We haven’t broken up"
Buong-buo raw ang kanyang tiwala kay Gerald at wala raw siyang nakikitang rason para ito'y paghinalaan.
Saad niya, "I don't think I'll get into a relationship with somebody na I don't trust.
"So, I do trust him and he shows me that every single day, there's just no reason for me to doubt."
Read: Gerald Anderson bonds with girlfriend Julia Barretto amid rumors linking him to Kylie Padilla
Samantala, sa comment section ng post ni Julia ay bumuhos ang saya at kilig ng kanilang mga fans at kaibigan sa muli nilang pagsasama sa anila'y "deserve" daw nilang bakasyon.


