Ipinagdiwang ang World Mental Health Day sa buong mundo noong October 10, 2022.
Kaugnay nito, may paalala ang TV host at mental-health advocate na si Bianca Gonzalez na makipagkapwa-tao at makipag-ugnayan sa mga kakilala at kaibigan. Makakatulong aniya ito sa ating pag-iisip at pamumuhay.
Mensahe ni Bianca sa Twitter: “It's #WorldMentalHealthDay As we care for our mental health, let's also keep connecting to people who are good for our well-being.
"'Humans are hard-wired for connection,' my psychologist would say. This is a friendly reminder to send someone a message today, to connect”
Kasunod nito ay ang plugging ni Bianca ng bago niyang podcast sa Spotify.
Sabi niya, "'Kanino ko pwedeng sabihin at paano? Hindi ko masabi, kasi baka maging pabigat lang ako.' On #WorldMentalHealthDay, I'm launching a new #PaanoBaTo Series: You Matter First episode:”
Isang basher ang nagkomento sa post na ito ng Kapamilya TV host.
Post ng basher, “Bagay na bagay sayo kasi may topak ka na..”

Ni-retweet ito ni Bianca.
Ayon sa TV host, ang ganitong klase ng komento ang perfect example kung bakit dapat pag-usapan ang mental health.
May mga tao raw kasing imbes seryosohin ang mental health ay sasabihing simpleng “topak” lamang ito.
Aniya, “Absolutely why we need to keep talking about mental health. When people dismiss the topic as 'topak' and other derogatory, unnecessary, harmful terms.”
Wala nang iba pang komento si Bianca.
