PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Here's why Michael V.'s photo with his children became viral

"Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."
by KC Cordero
Published Oct 16, 2022
Family photo of Michael V
Inakala ng netizens na photoshopped lang ang larawan ni Michael V. at ng dalawang anak niya dahil sa sobrang hawig nila. Sabi nga ng nag-repost ng June 2022 photo: "Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."

Aliw na aliw ang netizens sa naka-post na photo ni Michael V. sa Instagram dahil sobrang hawig niya ang kanyang mga anak.

Last June 2022 pa ito nai-post ni Michael V. pero muling nag-circulate sa social media at naging viral sa Facebook matapos i-repost ng content creator na si Perds Centino noong October 14.

Family photo of Michael V

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa original na family photo, nag-crop si Perds ng portion para makita si Bitoy (palayaw ni Michael V.) na katabi ang anak na babaeng si Yanni, at anak na lalaking si Milo.

Ang dalawa ay hindi maipagkakailang spitting image ni Bitoy at mapagkakamalan pang kambal.

Caption ni Perds sa kanyang Facebook post: "Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."

Inakala tuloy ng netizens na inedit lang sa photo editing app na Photoshop ang larawan.

Pero nasa Instagram pa rin ito ni Bitoy.

Nai-share ito noon ni Michael V. sa Instagram matapos manood ng kanyang pamilya ng premiere ng Jurassic World Dominion.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enjoy naman ang netizens sa pagkokomento.

Ang lakas daw ng dugo ni Bitoy.

Carbon copy umano nito ang mga anak.

Netizens' comments

Tinawag din ang cropped photo ng mag-aama na "Bitoy, Itoy at Bebang," mga karakter na nilkha ni Michael V. mula sa TV show na Bubble Gang.

Anang isa pang commenter tungkol sa larawan, ito raw ang "Bitoy in the Multiverse of Madness.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Habang sinusulat ang artikulong ito, ang Facebook post ni Perds ay nakakuha na ng 634K reactions, 9.1K comments at 42K beses na nai-share.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inakala ng netizens na photoshopped lang ang larawan ni Michael V. at ng dalawang anak niya dahil sa sobrang hawig nila. Sabi nga ng nag-repost ng June 2022 photo: "Si Bitoy at ang anak ni Bitoy na mas mukhang Bitoy kaysa kay Bitoy."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results