Natawa si Sunshine Cruz sa komento ng isang netizen na iuugnay siya sa kanyang pinsan na si Rayver Cruz.
Nagsimula ito nang magkomento ang netizen sa Instagram post ni Sunshine ng mga larawan nila ni Rayver.
Kuha ang mga larawan nang mag-guest ang aktres sa weekly musical-variety program sa GMA-7 na kinabibilangan ni Rayver, ang All-Out Sundays, noong July 20, 2022.
Sa unang larawan ay kasama ni Sunshine si Rayver at ang rumored girlfriend nitong si Julie Anne San Jose.
Sa pangalawang larawan ay sina Sunshine at Rayver lang ang magkasama. Makikita ritong nakaakbay si Rayver sa aktres.
Caption ni Sunshine: “A photo taken when the Cruz cousins guested for your birthday prod on @alloutsundays7. I remember asking you na I wanted sana a photo with @myjaps.
“Know that your Ate Shine loves you and I am very happy for you! I’m sure Tita Beth is smiling in heaven now. You deserve everything you have now dahil napakabait mong tao. Happy Birthday @rayvercruz! Love you Ray.”
Ngayong Martes, October 18, 2022, isang netizen ang nagkomento sa larawan nina Sunshine at Rayver.
Paratang ng netizen, "inagaw" ni Rayver si Sunshine sa idol niyang si Cesar Montano, ex-husband ng aktres.
Komento ng netizen: “Pa pogi ka inagaw.mo kay.idol.ko cesar montano"
Napahagalpak naman sa tawa si Sunshine sa sagot niya sa netizen:
Aniya, “pinsan ko po si Rayver. Haha. [laughing in tears emoji]”

Malapit si Sunshine sa tita niyang si Beth Cruz, ang namayapang ina ng Kapuso stars na sina Rayver at Rodjun Cruz.
Si Beth ay kapatid ng ama ni Sunshine na si Danny Cruz.
Read: Sunshine Cruz pays tribute to Rodjun and Rayver Cruz's late mom
Samantala, maayos na ngayon ang pakikitungo ni Sunshine sa ex-husband niyang si Cesar.
Read: Sunshine Cruz "so happy" to meet ex-husband Cesar Montano's kids with Kath Angeles
