Hanggang ngayon ay patuloy na lumilikha ng ingay ang Doll House, ang Netflix movie na pinagbibidahan ni Baron Geisler at ng child star na si Althea Ruedas.
Read: Meet the cast of Netflix tearjerker "Doll House"
Patuloy pa rin itong nangunguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines mula nang ipalabas ito noong Oktubre 9, 2022.
Read: Doll House ni Baron Geisler, No. 1 na sa Netflix Philippines
Sa Instagram ngayong Martes, October 18, inihayag ng award-winning actor na si Aga Muhlach ang kanyang paghanga kina Baron, Althea, at sa buong production ng Doll House.
Ayon pa kay Aga, marami siyang iniluha habang pinapanood ang pelikula.
Napabigkas pa raw siya ng “hayuuuf” bilang pagsaludo sa ganda ng Netflix movie.
Buong post ni Aga: “DOLL HOUSE!!! You guys nailed it! @baron.geisler taas kamay! [raising hands emoji] pinahanga mo ako!
“Dami ko iyak dito! Galing mo sobra! Sa inyong lahat na bumuo nito.. Mabuhay kayo! D ako muubusan ng sasabihin.. [raising hands, 100%, hearts emojis]
“@mavxproductions and that little girl! Amazing! congratulations sa inyong lahat! [clapping hands, [clapping hands, clinking glasses emojis]
“Dami ko iniyak dito! Hayuuuf! Haha o siya! Bye! Oh, wait! Director @marlaancheta [clapping hands emoji] take a bow! [raising hands emoji] bravo! [clapping hands emoji]”
View this post on Instagram
BARON HOPES TO WORK WITH AGA
Malaki naman ang pasasalamat ni Baron sa obserbasyon ni Aga sa kanilang obra.
Lalo raw itong katangi-tangi dahil isa si Aga sa mga iniidolo niya sa industriya. Sana rin daw ay makatrabaho niya ang hinahangaang aktor.
Inamin naman ni Baron na nangongopya siya ng nuances ng pag-arte ni Aga.
Sagot ni Baron [published as is], “Wow boss @agamuhlach317 coming from you, one of the people I look up to saying this, thanks for appreciating our film.
"To be honest.. if you look closely mejo kumuha ako ng mga acting nyo mga mata and nuances. And it worked fmdahil ku mute ako ng konti [laughing in tears emoji] Hihihihihi... Apir!!
"Again salamat sir and God bless Idol!!!! Praying makatrabaho kayo [praying hands emojis]”

Tugon ni Aga, grabe ang dedikasyon ni Baron sa kanyang role dahil hindi ito bumibitaw sa bawat eksena.
Ipagpatuloy lamang daw niya ito.
Ani Aga, “@baron.geisler I was in awe watching you perform! D ka bumitaw. Every scene you gave us something real.
"Alam na natin what we do when we work but watching you perform in this particular film.. pare kaka inspire ka! Thank you for your talent. Keep up the good work.
"You’re a good man. All the best! Yes, let’s work soon! Again, congratulations! Slow clap [clapping hands emoji] boom!”

Bukod kay Aga, nagpaabot din ng kanyang paghanga kay Baron ang isa pang magaling na aktor na si Paolo Contis.
Napamura pa nga si Paolo dahil sa husay ni Baron sa role nito bilang isang lulong sa droga na musician na bumalik sa kanyang tahanan kung saan naninirahan ang kanyang long-lost daughter.
Read: Paolo Contis, "minura" si Baron Geisler pagkatapos manood ng Doll House
Related Stories:
- Baron Geisler, "poging-pogi sa sarili" sa Netflix movie na Doll House
- Baron Geisler, natupad ang hiling na magka-pelikula tulad kay Paolo Contis
