PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis raves about Baron Geisler acting in Doll House

Paolo Contis, naka-relate sa role ni Baron Geisler?
by PEP Troika
Published Oct 13, 2022
paolo baron closeup
Paolo Contis (left): "Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!"
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook / Netflix

JERRY OLEA

Minura ni Paolo Contis si Baron Geisler sa Facebook ngayong Huwebes ng umaga, October 13, 2022.

Kaakibat niyon ang litrato ni Paolo na maluha-luha at gulanit ang damit. Hanash ng tinaguriang "Netflix King of the Philippines" na si Paolo, “Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!

“Congrats brother! Proud of you! #DollHouse Netflix #IyakReveal”

paolo contis post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apparently, pinanood ni Paolo ang pelikula ni Baron na Netflix, na nananatiling number 1 sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.

Read: Doll House ni Baron Geisler, No. 1 na sa Netflix Philippines

Baron shared Paolo’s post at ang sagot niya, “Love you Paolo Enrico Contis!! Next goal is to have a Mavx Productions, Inc. Movie with you Bestfriend!! Di ko kinaya Yung t-shirt

“Alien ka alien!!! Yakap men!!! Ikaw isa sa inspiration ko habang ginagawa ko to. Secret lang natin ha.. hihihi Also salamat sa mga career advice.”

paolo contis post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nabuo ang friendship nina Paolo at Baron sa set ng Kapamilya weekend series na Tabing Ilog (1999-2003).

Tampok din sa nasabing programa sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Kaye Abad, Desiree del Valle, Patrick Garcia, at Paula Peralejo.

GORGY RULA

Pagkatapos kong mapanood ang Doll House, si Paolo Contis agad ang naalala ko.

Sabi ko sa kanya, “Bagay rin sa iyo ang pelikulang yun, at baka maka-relate ka pa sa kuwento!” Natawa na lang si Paolo.

Noong time na yun ay No. 2 pa lang ang Doll House. Kaya sinabi ko kay Paolo na, tingin ko, siya pa rin ang "Netflix King." Kaagad nag-number one ang pelikula niya. Hindi na dumadaan sa mababang slot.

Sobrang happy raw si Paolo kay Baron dahil kahit siya man daw ang producer, si Baron talaga ang bagay sa role na yun.

Sa interview natin kay Baron, sinabi nitong gusto niyang makasama sa isang pelikula ang mga “kapatid” niya sa Tabing Ilog. Nagkakaideya na ang producer na gawan sila ng magandang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sina Paolo at Baron ito, sino pa kaya ang isang taga-Tabing Ilog na makakasama nila? Sana, matuloy ito.

NOEL FERRER

Malalim talaga ang samahan at pinaghuhugutan ng mga naging kasali sa youth-serye na Tabing Ilog! Lahat sila ay magagaling umarte and they have all carved a name in the industry.

Ultimo si Paula Peralejo ay ngayo’y effective role model sa mga batang ina at maybahay, which makes her a good influencer dahil pinili niyang magtapos at mas maging pribado ang kanyang buhay.

Looking forward ako sa project with Baron and Paolo, at ang reunion ng Tabing Ilog cast!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left): "Pun¥€t@ ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong mga emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo!"
PHOTO/S: Paolo Contis Facebook / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results