Nagsalita na si Maricar Reyes tungkol sa aniya'y “darkest chapter of my life” na nangyari sa kanya labintatlong (13) taon na ang nakararaan.
Hindi direktang tinukoy ni Maricar kung ano ang personal crisis na ito, pero naging bukas sa publiko ang pagkakasangkot niya sa isang sex-video scandal noong 2009.
Umabot pa sa Senado ang kinasangkutang eskandalong ito na minantsahan ang reputasyon ni Maricar.
Pag-amin ng aktres, nanahimik lamang siya noon sa isyu, pero dinala niya ito sa kanyang kalooban ng maraming taon.
Ito raw ang dahilan kaya ayaw niyang magpayo sa ibang taong may mga pinagdaraanan.
“Kahit 2013, I was married, and mukha naman akong okay, there’s still a lot of stuff inside me na hindi ko pa nawo-work out.
“Parang things were not as clear to me enough to teach [other people],” sabi ng aktres sa isang Instagram Live noong nakaraang linggo.
Si Maricar ay ikinasal sa singer na si Richard Poon noong June 9, 2013.
Read: Richard Poon and Maricar Reyes tie the knot
Simula raw kasi nang ikasal si Maricar, maraming babae ang nagpapadala sa kanya ng mensahe at nagbabahagi ng kanilang mga mabibigat na pinagdaraanan.
“They started to tell me really heartbreaking stories. Talagang nag-o-open up sila sa akin… usually ang mga questions nila, ‘How do I forgive?’ How do I get over my own crisis?’”
Gusto raw makatulong ni Maricar, pero hindi niya alam kung siya ba ang tamang magpayo dahil may personal crisis din siya.
BOOK THAT IS REAL AND PERSONAL
Ito raw ang nag-udyok kay Maricar na isulat ang kanyang autobiography na MARICAR.
Tinawag niyang “very real, very personal” ang isinulat na libro.
“There are a lot of things here na hindi ko sini-share in interviews and such, 'coz I really want to show people my process,” sabi niya.
Paraan daw ito ni Maricar para pasalamatan ang kanyang “mentors” na tinulungan siyang makabangon sa pamamagitan ng “real talk.”
Inilahad ng aktres sa libro ang kanyang healing process at hangad na matulungan ang readers na may mga pinagdaraanan.
Sabi niya: “So it took a long time—from 2009 from the start of the bad thing that happened to me publicly, until 2022.
“It took 12 years to write this book.”
Aminado si Maricar na marami pa ring tao ang kinukutya ang kanyang nakaraan, pero “stable” na raw siya ngayon.
Sabi niya, “Kasi ako nga, di ba, 12 years bago ako naging okay, enough to really talk about it.
“There are still people who are disrespectful with their comments and whatever…
“Ngayon lang ako nagkaroon ng stability to just, ‘Okay, e, ganyan ka, e. Anong magagawa natin?’”

Hangad daw ni Maricar na makatulong ang kanyang libro sa mga taong nakaranas o nakararanas ng personal crisis.
Saad niya, “There’s really a process, and don’t be too hard on yourself.
“If you feel like, parang ang tagal… It took me 12 years to get to a point that I’m stable enough to talk about it, and actually have a heart to help people.
“Kung meron kang pinagdadaanang mabigat, it will take time [to heal]. Parang ang mindset mo sa sarili na it’s a marathon, it’s not a sprint.”
Caption ni Maricar sa isang IG post ukol sa libro: “I hope my story will help or inspire you to find a way out of your dark situation, whatever that may be.
“Remember, you are not alone and there is always a way out. Laging may SOLUSYON.”
