PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ciara Sotto explains co-parenting setup with ex-husband Joe Oconer

Ciara Sotto on being single: "Walang sakit ng ulo."
by Melba R. Llanera
Published Oct 19, 2022
Ciara Sotto
Ciara Sotto on being a single mom: "Yung priorities ko, siyempre pag nagsa-shopping ako inuuna ko na ang anak ko. Parang all my decisions are based on how my son will feel. Mas naging selfless ako."
PHOTO/S: @pinaypole IG

Inamin ni Ciara Sotto na single siya at walang idine-date sa ngayon.

"Single pero happy ako," sabi ni Ciara sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Patuloy niya, "I have one son, magsi-seven years old. Walang sakit ng ulo. Happy na kasi ako na kasama ang anak ko.

"May boyfriend ako last year. Parang ang sarap din ng wala kang iniisip, wala kang responsibility."

Read: Ciara Sotto admits breakup with Filipino-American boyfriend Ian Austin

Wala rin daw problema sa co-parenting setup nila ng ex-husband na si Joe Oconer sa anak nilang si Vicenzo Jose.

Saad ni Ciara, "Oo naman, regularly, nahihiram niya. They see each other three times a week.

"I think importante yun na kilala ng bata yung identity ng father niya para mas secured siya. Talagang hinahayaan ko siya na mag-spend ng time with his dad."

Aminado si Ciara na maraming nabago sa kanya mula nang maging isa siyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung priorities ko, siyempre pag nagsa-shopping ako, inuuna ko na ang anak ko. Parang all my decisions are based on how my son will feel. Mas naging selfless ako.

"Actually, sa kanya ako magastos, sa sarili ko hindi masyado."

Sa tanong namin kung mas gusto ba niya na non-showbiz ang susunod na makakarelasyon, may isang kundisyon si Ciara.

"Non-showbiz? Di ko alam kung sino ang ibigay ni Lord. Mas careful na ako, saka important sa akin na mamahalin niya ang anak ko."

ON DAD TITO SOTTO

Noong kasagsagan ng May 2022 elections, naiulat na hindi maiwasang maapektuhan si Ciara sa sabay na kandidatura sa pagka-bise presidente ng ama niyang si Tito Sotto at cousin-in-law na si Kiko Pangilinan.

Si Ciara ay anak ng mag-asawang Helen Gamboa at Tito Sotto.

Pero nang matapos ang eleksyon, mismong misis ni Kiko na si Sharon Cuneta ang naglabas ng masayang reunion ng Megastar kasama ng tiyahin na si Helen at tiyuhin na si Tito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpinsang buo sina Ciara at Sharon.

Ayon kay Ciara, isa lang iyong pagsubok na nalampasan din ng kanilang malaking pamilya.

"Ay okay, wala na yun. Siyempre normal naman yun na nagkatampuhan, pero okay na lahat.

"We saw each other dun sa wake ng tito namin, so talagang family is family. That will never change, hindi mo mabubura yun," ani Ciara.

Pagkatapos hindi manalo sa eleksyon si dating Senator Sotto, sinusulit nina Ciara ang panahong nakakasama nila ito ngayon

Ngayong nabawasan ang trabaho ni Tito, ibinahagi ni Ciara na nae-enjoy ng ama ang quality time kasama ng kanilang pamilya.

"Mas maraming travel with Daddy kasi nga hindi na siya busy and mas relaxed lang siya. Hindi siya masyadong stressed kasi hindi niya pinuproblema yung bansa.

"We cherish all the times that we spent with him. Yung mga travels important yun to make memories with your parents.

"Pero andun pa rin siya, concerned pa rin siya, especially yung mga bills na pinayl nila before na napapatupad na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Happy siya, he's still, like, connected [sa politics]," sabi ni Ciara.

ON SHARON'S SOUTH KOREA EXPERIENCE

Hiningan din ng PEP.ph ng reaksiyon si Ciara sa pamba-bash na tinanggap ni Sharon dahil sa insidenteng hindi raw pinapasok ang Megastar sa Hermes store South Korea.

Nabatikos si Sharon dahil may netizens na nagsabing hindi talaga puwede ang walk-in sa Hermes store, kaya mali raw ang sinabi ni Sharon na siya ay "turned away" sa store dahil wala naman siya talagang appointment.

Sa huli ay mismong si Sharon ang umapela sa kanyang fans na huwag batikusin ang luxury store at ang staff na hindi nagpapasok sa kanya sa store dahil alam din niyang kailangan ng appointment sa establisyimentong iyon.

Sabi ni Ciara sa isyu: "Hindi naman mawawala ang mga bashers, so I think hindi na lang dapat pansinin kasi nga di naman nila kami kilala or di din naman nila siya kilala.

"Hayaan na lang natin sila kung bina-bash nila siya. And I'm sure sanay na naman si Ate [Sharon] dun. Hindi na siya na-affect siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ciara Sotto on being a single mom: "Yung priorities ko, siyempre pag nagsa-shopping ako inuuna ko na ang anak ko. Parang all my decisions are based on how my son will feel. Mas naging selfless ako."
PHOTO/S: @pinaypole IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results