Nagkabiruan sina Joey de Leon at Ruby Rodriguez matapos batiin ni Ruby ang veteran comedian at original Eat Bulaga! host.
Nag-post si Ruby ng birthday greeting para kay Joey, na nagdiwang ng kanyang 76th birthday noong October 14, 2022.
Si Ruby ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.
Pero bago ito, higit tatlong dekada silang nagkasama ni Joey sa Eat Bulaga.
Birthday message ni Ruby kay Joey: “Mayor!!!! Happy Birthday @angpoetnyo [cake emoji] hamishu… kilala mo pa ba ako [laughing emojis] labyu [heart emojis]”

Sumagot dito si Joey na kinumusta at biniro rin si Ruby. Umaasa rin si Joey na magkikita sila ng dating co-host.
Reply ni Joey: “YBUR! How are you na? Marunong ka pa mag-Tagalog?
“Magkikita rin tayo at isang lipad lang naman yan!”
Kinumusta rin ni Joey ang asawa ni Ruby at dalawang anak nila.
Sagot ni Ruby sa joke sa kanya ni Joey: “naman!! Ako pa hahaha looking forward to seeing you again [heart emoji]”

Natuwa ang ilang netizens sa palitan ng mensahe ng dalawa at pinababalik na si Ruby sa Eat Bulaga.
RUBY's EAT BULAGA EXIT
Si Ruby ay naging co-host sa Eat Bulaga! sa loob ng 31 taon.
Pero noong 2020 ay pinag-usapan ang kanyang biglang pagkawala sa longest-running noontime show sa Pilipinas.
Sa isang interview noong May 2021, hindi tinumbok ni Ruby ang dahilan ng pagkawala niya sa show, pero malaman ang kanyang mga naging pahayag.
Read: Ruby Rodriguez opens up about her Eat Bulaga exit
Kuwento ni Ruby, noong 2020 ay nagbabalak siyang pumunta ng Amerika para ipatingin doon ang kanyang bunsong anak na si Don AJ na may auto-immune disease.
Kinausap daw niya si Tony Tuviera—president and CEO ng TAPE, Inc., na nagpo-produce ng Eat Bulaga—tungkol sa plano niyang mag-leave.
Tiniyak naman daw nito sa kanyang may babalikan siya.
Pero nangyari ang pandemya (March 2020) at hindi natuloy ang pagpa-file ng leave ni Ruby dahil sa quarantine.
Nang unti-unti nang bumalik sa ere ang Eat Bulaga!, ang management daw ang may desisyon kung sino ang pababalikin. Hindi kasama rito si Ruby.
Sabi ni Ruby noon sa interview, "Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, 'Please ask them.'
"I don’t know how they will answer it. If they were going to say, 'Ito ba ay leave?'
"Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that.
"With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that."
Si Ruby at ang kanyang pamilya ay lumipad patungong U.S. noong June 2021.
Nagtatrabaho si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
Sa interview niya sa 24 Oras noong June 2021, sinabi ni Ruby na panandalian lang ang paghinto niya sa showbiz at inuuna lang niya ang pagpapagamot ng anak.
