Kung mayroong KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla) at DonBelle (Donny Pangilinan-Belle Mariano) love teams, tila may bagong “tambalan” na aabangan sa social media—ang TiGgie.
Base ito sa bagong post ni Maggie Wilson sa Instagram, Huwebes ng gabi, October 20, 2022.
Sa nasabing post, makikitang dumalo si Maggie, kasama ang business partner at Thai-British digital entrepreneur na si Tim Connor, sa grand opening ng isang luxury brand boutique sa Malaysia.
Saad niya sa caption, “At the grand opening of the world of Ralph Lauren last night. [black heart emoji]”
Sinamahan din niya ito ng hashtag na "tiggie"—play of words sa unang dalawang letra ng pangalan ni Tim at huling apat na letra ng pangalan ni Maggie.
View this post on Instagram
Sa kabila ng pagtanggi nina Tim at Maggie sa paratang ni Victor na more than business partner ang relasyon nila, kinasuhan sila ng real estate magnate ng adultery o pakikiapid.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji
Mariing itinanggi ni Tim na mayroon silang relasyon ni Maggie at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.
Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson
Bago pa nito, pinalayas umano ni Victor si Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig dahil pag-aari umano ng real estate company ng huli ang nasabing bahay.
Nitong mga nakaraang araw, tila nagparinigan sina Maggie, Victor, at Tim sa Instagram.
- Maggie Wilson’s intriguing hashtag causes stir on social media
- Is Victor Consunji's “big cave” hashtag his answer to estranged wife Maggie Wilson's “small issues” hashtag?
- Tim Connor posts cryptic message about "huge cave" following Victor Consunji’s "big cave" post
September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang kanilang desisyong maghiwalay matapos ang halos labing-isang (11) taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation
