PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz pregnancy, wedding fake news

Sunshine: "Hindi po ako buntis sa pang-apat na anak ko DAW with my ex."
by Arniel C. Serato
Published Oct 24, 2022
Sunshine Cruz fake news on pregnancy, wedding
Actress Sunshine Cruz (left) strongly denies ex-husband Cesar Montano (right) got her pregnant: "Gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 / @cesarbuboymontano on Instagram

Hindi magandang balita ang bumungad kay Sunshine Cruz pagbukas niya ng social media ngayong Lunes, October 24, 2022.

Ayon sa kumakalat na tsismis sa YouTube, buntis daw siya sa pang-apat na anak nila ng ex-husband na si Cesar Montano.

Dahil nagdadalantao, magpapakasal daw silang muli ng nakahiwalayang asawa.

Kalat na ang nasabing videos sa YouTube at daan-daang libo na rin ang mga nakapanood nito.

Hindi lang iisa ang video dahil marami ang gumawa ng kahalintulad na content na tinawag ni Sunshine na “fake news.”

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ng aktres na may mga bumabati at nag-congratulate pa sa kanya dahil sa diumano'y pagbubuntis at nalalapit na pagpapakasal niya.

Kahit wala itong katotohanan—lalo pa't may bagong partner na si Cesar, si Kath Angeles, at mayroon na rin silang mga anak—may mga naniniwala sa nasabing balita.

Mariing saad ni Sunshine: “FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband.

#fakenews

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-reshare ito ni Sunshine sa kanyang personal account at muling pinabulaanan ang mga kumakalat na balita.

Aniya, “Nakakagulat na umaga po sa inyong lahat!

“-hindi po ako buntis sa pang-apat na anak ko DAW with my ex

“-hindi po ako magpapakasal sa aking ex

#fakenews

Nagpakasal si Sunshine sa actor-director na si Cesar noong 2004.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Edad 23 anyos lamang siya noon samantalang si Cesar ay 38 years old.

Umabot sa 13 taon ang kanilang pagsasama.

Babae lahat ang tatlo nilang anak—sina Angelina, Samantha, at Cheska.

Early part ng 2013, nakipaghiwalay si Sunshine kay Cesar matapos niyang matuklasan ang relasyon umano ng asawa sa sexy star na si Krista Miller.

Read: Are Sunshine Cruz and Cesar Montano having marital problems?

Na-grant ng korte ang annulment ni Sunshine noong September 18, 2018.

Read: Court finally grants annulment of Sunshine Cruz and Cesar Montano

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Sunshine Cruz (left) strongly denies ex-husband Cesar Montano (right) got her pregnant: "Gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 / @cesarbuboymontano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results