Tila updated ang Thai-British digital entrepreneur na si Tim Connor sa mga balitang lumalabas dito sa kanyang business partner na si Maggie Wilson.
Read: Who is Tim Connor?
Sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang Sabado, October 22, 2022, nagbahagi si Tim ng screenshot mula sa isang tabloid headline tungkol kay Maggie.
Mababasa ritong gumamit si Tim ng Google translate mula Tagalog patungong English ng nasabing headline.
Nakasulat sa headline: “BF ni Maggie Wilson pinangalandakan ang malaking ari"
Ang English translation na nakuha niya: “Maggie Wilson’s BF flaunts his big c*ck”
Tanong ni Tim sa caption, ito raw ba ang totoong translation ng nasabing headline?
Dumistansiya naman muli si Tim sa usap-usapang may relasyon diumano sila ng actress-turned-beauty queen.
Aniya, “Is this really the translation…!? Whoever Maggie’s boyfriend is, his mother won’t be impressed.”

Naging usap-usapan sina Tim, Maggie, at estranged husband ng huli na si Victor Consunji nitong mga nakaraang linggo dahil sa hashtags.
Nagsimula ito dahil sa pagpaparinig ni Maggie sa mga lalakeng nais magpayuko sa isang babae katulad niya pero hindi nila nakaya.
Kaya ang gagawin na lamang daw nito ay magsampa ng 'sangkatutak na kaso laban sa babae.
Ang mabilis na napansin ng netizens ay ang ginamit niyang hashtag.
Sa pagitan ng mga salitang "small" at "issues" ay gumamit siya ng eggplant (talong) emoji.
Read: Maggie Wilson’s intriguing hashtag causes stir on social media
Kadalasan, emoji ng talong ang pakahulugan sa social media ng "ari ng lalaki."
Makalipas ang apat na araw, si Victor naman ang may cryptic post sa kanyang Instagram Story.
Makikita sa post ang larawan niyang tila nasa bukana ng isang kuweba.
Kapansin-pansin ang paggamit niya ng hashtag na “#EasyToFeelSmallInSuchABigCave.”
Mababasa rin dito ang iba pang hashtags: #YouKnowThisPlaceIsNextToABeach, #AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave, at #ThisCaveMUSTbeRoyalty.”
Binigyan ito ng ibang pakahulugan ng netizens.
Kinabukasan, October 19, si Tim naman ang may cryptic post tungkol pa rin sa kuweba.
Read: Tim Connor posts cryptic message about "huge cave" following Victor Consunji’s "big cave" post
Konklusyon ng netizens, bardagulan ng mga alta ang nangyari.
Nitong nakaraang linggo, ikinagulat ng netizens ang pagpapakilala ni Maggie sa bagong tambalan ng “TiGgie.”
Ang “TiGgie” ay word play sa unang dalawang letra ng pangalan ni Tim at huling apat na letra ng pangalan ni Maggie.
Read: New love team? Maggie Wilson posts picture with Tim Connor with hashtag “tiggie”
