Pangako ng bagong may-ari ng Miss Universe Organization (MUO) na si Thai billionaire Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip na magiging patas ang kanyang hanay sa mga kandidata ng timpalak.
Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe
Sa virtual press conference kahapon, October 27, 2022, kasama ang mga miyembro ng international press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niyang kahit anong lahi pa, makakaasa ang bawat kandidata ng equal na pagtrato sa pageant.
Saad ni Anne, “We call it international benchmark that everything on the stage, that we have a contest at the same time [it] is like a sports competition. So, everyone on the stage [are] gonna be equal, no matter what country you are.”

Ang kumpanya ni Anne na JKN Global Group ang bumili ng Miss Universe Organization (MUO) mula sa IMG Worldwide LLC, isa sa mga kumpanya ng Endeavor Group Holdings Inc. na pinamumunuan ni Ari Emanuel.
READ: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe
Ang JKN Global Group ay may labinlimang kumpanya sa mga industriya ng online shopping, content making, soft drinks and vitamin drinks, telebisyon, at marami pang iba.
Nabili nila ang MUO sa halagang US$14 million o P770 million sa palitang PHP55 sa isang US$1.
Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip, nabili ang Miss Universe sa halagang US$14 million
Dagdag pa niya, “We are ready to continue to evolve this, not only to stay the same, we plan to go further.”
Lahat ng mga local franchisee ng pageant ay igagalang dahil itinuturing nila ang mga ito na “partners.”
Upang makatulong sa turismo ng Thailand, gagawin ang pageant every two years doon.
In between, gagawin ito sa iba’t ibang bansa upang makatulong din sa kanilang turismo at ekonomiya.
Bukod sa cosmetic brand na gagawin sa ilalim ng Miss Universe brand, possible ring magkaroon ng reality show bago ang mismong grand coronation night.
Ang Miss Universe ay mapapanood sa 165 na bansa kung saan halos kalahating bilyong tao ang nag-aabang nito sa ere.
Ang ika-71 Miss Universe competition ay magaganap sa January 14, 2023 sa New Orleans Ernest N. Morial Convention Center.
