Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

by Jojo Gabinete
Oct 26, 2022
anne jakrajutatip miss universe
Thai billionaire Anne Jakrajutatip confirms that she is now the sole owner of Miss Universe through a series of social media posts.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram

Ang Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip ang pinakamakapangyarihan ngayong trans woman sa mundo ng beauty pageants dahil siya na ang nagmamay-ari ng prestigious Miss Universe.

Read: The transwoman billionaire linked to Clint Bondad has a colorful life story

Kinumpirma ni Anne ang balita na siya ang sole owner ng Miss Universe sa pamamagitan ng kanyang sunud-sunod na social media posts ngayong Miyerkules, October 26, 2022:

“Bring yourself into the positive harmony of the universe and allow the 100% good energy into your life from now on."

“Yes, I own it all.Yes…I am the sole owner 100%...Yes finally the universe is ours."

“Are you ready to move forward with Anne? Thank you for loving me.Thank you everyone who loves Anne and the family."

Sometime, the UNIVERSE moves things away to allow other wonderful things to appear. Change is always good.

“In fact, evolution is common and human beings are always the subject to ‘ Force for change’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong September 25, 2022, inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang ulat na posibleng si Anne ang Thai billionaire na tinutukoy na nakabili nig Miss Universe.

Ibinenta ito ng dating may-ari, si Ari Emanuel ng Endeavor, ang American holding company para sa mga talent at media agency, sa presyong US$20 million.

Read: Thai transwoman billionaire Anna Jakrajutatip, bagong may-ari ng Miss Universe Organization?

Nakumpirmang totoo ang balita dahil sa mga pahayag ngayon ni Anne na siya na ang sole owner ng Miss Universe.

Imbes na matuwa dahil isang Asian ang bagong Miss Universe owner, nabahala ang ilang Filipino pageant fans na may pangambang baka lumiit ang tsansa ng Pilipinas na manalo.

Ginamit na halimbawa ng Pinoy beauty contest enthusiasts ang Miss Grand International na mailap ang korona sa Filipina candidates dahil sa kanilang akusasyong may "favoritism" si Nawat Itsaragrisil, ang kapwa Thai ni Anne na founder at presidente ng Miss Grand International Organization.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil, sentro ng bashing

May mga naniniwala namang magiging parehas si Anne dahil may soft spot sa puso nito ang mga Pilipino dahil naging malapit na kaibigan siya ni Clint Bondad, ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Read: Thai transwoman billionaire, nanindigang wala silang relasyon ni Clint Bondad

Kaibigan din ni Anne ang kapatid ni Clint na si Kirk Bondad, na nabigyan niya ng modelling assignment sa Thailand.

Isa lamang si Clint sa mga kalalakihang napabalitang "love interest" ni Anne na nakabisita na rin noon sa Pilipinas at nagpakita ng pagkagiliw sa Kapuso actor na si Derrick Monasterio.

Dahil si Anne na ang may-ari ng Miss Universe, may posibilidad na magkita sila ni Catriona na dating winner ng naturang beauty pageant.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai billionaire Anne Jakrajutatip confirms that she is now the sole owner of Miss Universe through a series of social media posts.
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results