Nagpasilip si Joshua Garcia ng kilig moment sa pagitan ng mga kaibigan niyang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde habang namamasyal sa Tokyo, Japan.
Nagdiwang ng Halloween ang barkadahan nilang "Nguya Squad" sa Japan kasama ang reel-and-real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Sunud-sunod ang updates ni Joshua sa kanyang Instagram Stories, kunsaan makikita ang pamamasyal ng kanilang grupo.
Hilig ni Joshua ang kumuha ng photos, at isa sa souvenir shots niya ay talikod shot nina Zanjoe at Ria na naglalakad sa isang makitid na eskinita.
Hindi maiwasang ma-highlight sina Zanjoe at Ria, na kamakailan lang ay nabalitang nasa "dating" stage.
Mismong ina ni Ria na si Sylvia Sanchez ang nagsapubliko nito.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals
Low-key pa rin naman sina Zanjoe at Ria, na tila ine-enjoy ang pagkikilanlan nila ngayon.
Ni-repost lang nina Zanjoe at Ria ang group photo mula sa IG Story ni Joshua, pero wala pa silang post na sila lang dalawa para matawag silang "Instagram official."
Makikita rin ang dating couple sa ibang group shots na kuha ni Joshua.
May hiwalay ring litrato ang grupo kasama ang magkasintahang Robi Domingo at Maiqui Pineda.
Ang mga naka-tag sa litrato na pinost ni Robi ay sina Maiqui, Daniel, Kathryn, Joshua, Abbie Good, Ria, at Zanjoe.