Opisyal nang tinanggap ni Miss Grand Philippines 2022 Roberta Tamondong ang appointment sa kanya bilang Miss Grand International 2022 5th runner-up.
Read: Brazil, kinoronahang Miss Grand International 2022; Roberta Tamondong, hanggang Top 20 lang
Patunay rito ang pag-edit niya ng kanyang Instagram bio mula
"Miss Grand Philippines 2022" to "5th Runner Up Miss Grand International 2022" kahapon, October 31, 2022.
Ngayong Martes, November 1, palipad na si Roberta patungong Thailand para sumama sa Top 9 ng Miss Grand International 2022 sa pagtupad ng kani-kanilang reign.
View this post on Instagram
Inanunsiyo rin ng Miss Grand International Instagram page na sabay-sabay darating si Roberta at ang Top 9, na mula naman sa Indonesia, sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand.
Ayon pa sa announcement, “Can't wait to meet all the queens in Thailand tomorrow! [Thailand flag emoji]
"All fans you are more than welcome to meet them at Suvarnabhumi Airport around 5 PM (Bangkok time).
"See you!
"#MGI #GrandExperiences #MissGrandInternational #MissGrandInternational2022 #WeAreGRANDthe1andOnly"
View this post on Instagram
Nitong Linggo, October 30, ibinahagi ng Miss Grand International sa kanilang social media accounts ang official announcement ng pagiging fifth runner-up ni Roberta ng Thailand-based pageant.
Ayon pa sa post, "Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022.
"She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year. Congratulations and welcome to the #GRAND family. [heart emoji]"
Read: Roberta Tamondong announced 5th runner-up at Miss Grand International 2022
Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Yuvna Rinishta ng Mauritius bilang isa sa 5th runners-up ng Miss Grand International 2022 noong Biyernes, October 28, 2022.
Hindi raw umano pinirmahan ni Yuvna ang kanyang kontrata sa Miss Grand International at hindi na raw nito magagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang 5th runner-up.
Read: Yuvna Rinishta of Mauritius resigns as Miss Grand International 2022 5th runner-up
Matapos ang announcement ni Roberta bilang 5th runner-up sa Miss Grand International 2022, nag-trending siya kaagad sa Thailand.
Mahal ng mga Thai si Roberta dahil sa kabaitan nito sa kanilang pambato na si Miss Grand Thailand Engfa Waraha, na itinanghal na 1st runner-up sa Miss Grand International 2022.
Si Engfa ang roommate ni Roberta sa Bali, Indonesia sa kanilang pamamalagi doon habang ginaganap ang pageant.