PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roberta Tamondong lacks support in Miss Grand International 2022?

Pinoy pageant fans, wala nang gana sa Miss Grand International?
by Jojo Gabinete
Published Oct 24, 2022
roberta tamondong beauty pageant
Malalaman na ang magiging kapalaran ni Miss Grand Philippines Roberta Tamondong sa idaraos na grand coronation ng Miss Grand International 2022 sa Indonesia bukas, October 25, 2022. Si Roberta na kaya ang maging kauna-unahang Pinay na makakakuha ng mailap na korona?
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook

Kailangan ni Miss Grand Philippines Roberta Tamondong ang malakas na suporta ng mga Pilipino dahil magaganap na bukas, October 25, 2022, ang final show ng 10th Miss Grand International 2022.

Idadaos ang grand coronation sa Sentul International Convention Center ng West Java, Indonesia.

Read: Roberta Angela Tamondong, kabilang sa top favorites sa Miss Grand International 2022

Nag-aalala ang mga Filipino supporters ni Roberta dahil napapansin nilang kulang sa ingay ang pangalan ng Philippine representative sa Thailand-based international beauty pageant.

May dahilan para mabahala ang mga nagmamalasakit kay Roberta dahil hindi na siya nababanggit sa mga itinuturing na top contenders para sa korona ng Miss Grand International 2022.

Hindi kasali si Roberta sa listahan ng Top 10 Miss Popular candidates na pinangungunahan ni Miss Grand Mauritius Yuvna Gookol.

Nakapagtataka ito dahil kilala sa pagiging masipag sa online voting ang mga Pilipino na tila nabawasan ang interes sa Miss Grand International buhat nang maging mailap ang korona nito sa mga contestant na ipinadadala ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napupuna ring mangilan-ngilan ang mga Pilipinong nag-iiwan ng komento tungkol kay Roberta sa mga social media page ng Miss Grand International, pero namamayagpag nang husto ang mga supporter nina Miss Grand Thailand Engfa Waraha at Miss Grand Vietnam Doan Thien An.

Kabilang si Roberta sa Top 20 candidates para sa Best in National Costume category. Pero sa final round, sina Miss Grand Thailand at Miss Grand Vietnam na lamang ang mahigpit na magkalaban.

Si Roberta ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi bilang Miss Eco Teen International 2020 na idinaos sa Hurghada, Egypt noong 18 years old lamang siya.

Read: Philippine bet Roberta Tamondong wins Miss Eco Teen International 2020

Ang international beauty title ni Roberta ang dahilan kaya naniniwala ang mga sumusuporta sa kanyang malakas ang laban niya sa 10th Miss Grand International at higit na magiging malaki ang kanyang tsansang manalo kung susuportahan siya ng ating mga kababayan.

Sadly, tila wala nang gana ang Pinoy beauty pageant fans sa Miss Grand International dahil kumbinsido silang may mga kandidatang pinapaboran ang founder na si Nawat Itsaragrisil na matagal nang inaakusahan ng “favoritism.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss Grand International president Nawat Itsaragrisil, sentro ng bashing

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malalaman na ang magiging kapalaran ni Miss Grand Philippines Roberta Tamondong sa idaraos na grand coronation ng Miss Grand International 2022 sa Indonesia bukas, October 25, 2022. Si Roberta na kaya ang maging kauna-unahang Pinay na makakakuha ng mailap na korona?
PHOTO/S: Miss Grand International Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results