Hindi nakasama ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez at ng kanilang pamilya ang anak na si Congressman Arjo Atayde sa ika-32 kaarawan nito noong November 5, 2022.
Bumiyahe kasi si Arjo sa Paris, France, kasama ang fiancée na si Maine Mendeoza.
Pero masaya naman daw ni Sylvia kahit hindi kapiling ang anak dahil kasama nito ang kanyang “Bubba” na si Maine.
Mensahe ng beteranang aktres para kay Arjo na ibinahagi niya sa Instagram: “First time ng pamilya na hindi ka nakasama sa birthday mo [smiley emoji] pero happy kami kasi alam naming sobrang happy ka dahil kasama mo ang pinakamamahal mong si Bubba [smiling, heart emojis]
"Happy Happy Birthday @arjoatayde [toast, wine glass, toast emojis]
"Enjoy your trip with Bubba @mainedcm
"Love you mga anak smiling [kiss emojis]”
View this post on Instagram
Nagpasalamat naman si Maine sa kanyang "Tita" Sylvia.
Tugon ni Sylvia, “Your’re welcome Maine. Enjoy kayo diyan at deserve nyo yan”

Komento ni Arjo, “I love you more ma [heart emoji] thank you for EVERYTHING!”
Sagot ni Sylvia, “Love u anak sobbbbraaaa [smiling emoji]”

Sa pamamagitan din ng Instagram, nagpasalamat si Arjo sa lahat ng mga nakaalala sa kanyang kaarawan.
Mensahe niya: “Thank you to everyone who greeted! at 32 one thing I wanted to share is that sincerity is the best gift you can give humanity. Don’t be afraid to love, live, and give. [heart emoji]Salud!”
View this post on Instagram
Mula noon hanggang ngayon ay hayagan na ang suporta ni Sylvia sa relasyon ng anak kay Maine.
Katunayan, isa siya sa pinakamasayang nilalang nang nag-propose si Arjo kay Maine noong July 28, 2022 matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang relasyon bilang magkasintahan.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged
Wala pang balita kung kailan magpapakasal ang dalawa.
