May wish si Alice Dixson, 53, sa haters sa social media.
Sa kanyang Instagram nitong Martes ng gabi, November 8, 2022, nagbahagi si Alice ng mga larawan sa beach kung saan makikitang may hawak siyang plastic starfish.
Sa caption ay sinabi niya ang kanyang wish na magmuni-muni ang haters para mabawasan ang "mega negativity" sa online world.
Buong post ni Alice: “1st star I see tonight…
“wish I may, wish I might, have the wish I wish tonight
“My wish is mag meditate ang mga haters para mabawasan ang mega negativity sa www [globe, peace sign emojis]”
View this post on Instagram
Pero sa nauna niyang post kahapon din, may ilang negatibong komento rito ang ilang netizens.
Tila hindi nila nagustuhan ng netizens ang post ni Alice kung saan kasama niya ang kanyang non-showbiz partner sa mga larawan, pero tinakpan niya ng malaking sombrero ang mga mukha nila.
Bahagi ng kanyang caption: “Aha! Gusto nyo ganito? I have one without the hat But no one wants to see that lol”
View this post on Instagram
Ayon sa ilang netizens, nagpi-feeling teenager daw si Alice.
Saad ng isa, “Bagay lng cguro sa teeners ang suspense, lapit na sa senior citizenship di n bagay.”

Dagdag ng isa pa, "ohh please no need to pose if you doesn't want to show your partner OA hmmmp"

"Jusmeyo marimar …..feeling teenager lng," ang nakakatawang comment ng isa pang netizen.

May mga nagtanggol din kay Alice. Account daw iyon ng aktres kaya may karapatan ito kung ano man ang kanyang i-post.
Sabi ng netizen, "it's her choice to hide him ,and besides account nya to kya chillax mga maritess. she can post whatever she wants so wla na kyo dun kung sino gusto nya eh show up or eh hide."

Suporta ng isa pa, "it's her wall. Negative people must get a life tsssk"

Noong September 2021, ibinahagi ni Alice sa unang pagkakataon ang litrato ng lalaking katuwang niya sa buhay at pinaniniwalaang asawa niya.
Pero, nakatakip pa din ang mukha nito.
Read: Alice Dixson shows photo of man in her life for the first time; is he her husband?
