PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alice Dixson shows photo of non-showbiz partner

Alice Dixson calls unnamed man in her life as her "my forever."
by Rachelle Siazon
Published Sep 20, 2021
Kapuso actress Alice Dixson shows cozy beach moment with her non-showbiz partner whom she calls "my forever."
PHOTO/S: @alicedixson Instagram

Sa unang pagkakataon, ipinakita ni Alice Dixson, 52, ang litrato ng lalaking katuwang niya sa buhay at pinaniniwalaang asawa niya.

Sa kanyang Instagram ngayong Lunes, September 20, 2021, ipinost ni Alice ang sweet moment nila ng di pinangalanang lalaki habang sila ay nasa beach.

Nakakandong si Alice sa lalaki habang yakap siya nito.

Tinawag ni Alice na "FOREVER" ang lalaki na siya raw ama ng kanyang six-month-old daughter na si Baby Aura.

Pero tila nais ni Alice na manatiling pribado pa rin ang kanyang relasyon dahil bukod sa hindi niya sinabi ang pangalan nito, tinakpan din ng aktres ang bahagi ng mukha ng lalaki.

Nakasuot din ng dark shades ang lalaki kaya hindi makita ang hitsura nito, liban sa mukha itong maputi, balbon, at maganda ang pangangatawan.

Seksi ring tingnan si Alice sa kanyang white bikini.

Sabi ni Alice sa caption, "Monday mornings be like ... [flying kiss emoji] Mama & Papa My forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong November 2019, nabanggit ni Alice sa isang TV interview ang tungkol sa desisyon niya at ng kanyang "partner" na magkaroon ng anak sa pagitan ng surrogacy.

Noong April 2021, sinundo ni Alice ang kanyang bagong silang na anak sa U.S. at saka ipinakilala ito sa kanyang Instagram followers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NETIZENS' REACTIONS

May ilan mang nagtaka kung bakit pinili ni Alice na takpan ang mukha ng kanyang non-showbiz partner, marami ang kinilig sa masayang love life ng Kapuso actress.

Tingin ng netizens ay mukhang gwapo ang partner ni Alice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagsabi pang akala niya noon ay mas matanda ng ilang taon kay Alice ang partner nito.

"MARRIED" TO A BORACAY RESIDENT

Noong July 2018, naisapubliko ang tungkol sa "married" status ni Alice nang maging tampok ng kontrobersiya ang kanyang litrato sa Boracay.

Noong panahong iyon, nakasailalim ang Boracay sa six-month closure para sa rehabilitation nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya ipinagtaka ng netizens nang makitang nasa Boracay ang aktres.

Naglabas noon ng opisyal na pahayag ang Crimson Resort and Spa Boracay upang linawing walang nilabag na batas si Alice dahil kasal ang aktres sa isang top executive ng resort.

Sabi sa isang bahagi ng pahayag na may petsang August 1: "The resort is not violating any government regulation regarding the closure.

"It is not accepting and entertaining guests at the resort, contrary to the articles released in the media where actress Alice Dixson was seen on the island.

"Ms. Dixson is the wife of a top executive of Crimson Resort & Spa Boracay.

"They are both residents of the island with proper documentation.

"This has been confirmed and verified during an inquiry done by the Department of Interior and Local Government."

ALICE ALLUDES TO MARRIED STATUS

Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 13, 2018, diretsahang tinanong si Alice tungkol sa kanyang married status.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paiwas ang sagot ng aktres at sinabing hindi niya ginustong isapubliko ang kanyang personal na buhay.

Pero may pahiwatig siya tungkol sa lumabas na impormasyong kasal siya sa isang top executive sa isang resort sa Boracay.

Aniya, "And I didn’t feel that I need to explain my personal life in the whole world.

"But now that it has happened, alam niyo na. Hahaha!"

Pero liban sa pagkakataong iyon ay walang impormasyong ibinibigay si Alice tungkol sa napabalitang pag-aasawa niya.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Alice Dixson shows cozy beach moment with her non-showbiz partner whom she calls "my forever."
PHOTO/S: @alicedixson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results