Parehong wagi ang teams ng volleyball superstars at rumored couple na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina sa laban nila sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, kahapon, November 8, 2022.
Si Deanna ay naglalaro para sa koponang Choco Mucho Flying Titans, samantalang si Ivy ay kabilang sa F2 Logistics Cargo Movers.
Nakalaban ng Choco Mucho Flying Titans ang United Auctioneers Incorporated-Army.
Samantalang ang F2 Logistics Cargo Movers ay nakalaban naman ang Creamline Cool Smashers.
Ginanap ang parehong laban sa Smart Araneta Coliseum.
Kinagabihan, nag-post si Deanna sa kanyang Instagram Story ng sweet photo nila ni Ivy.
Nakalagay sa caption nito: “Congrats Adi! [smiling emoji]”

Ni-repost ito ni Ivy sa kanyang Instagram Story.
Mensahe niya: “Congrats din adi! [face blowing a kiss emoji]”

Wala pa mang direktang pag-amin sa totoo nilang estado, halatang mas higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon ng dalawa.
Noon lamang August 2022, tila ni-level up ng dalawa ang kung anumang namamagitan sa kanila dahil sa pag-post ni Ivy ng mga travel at sweet photos nila ni Deanna.
Sinamahan din niya ito ng nakakakilig na caption na, “Go around the world with you my greatest adventure”.
Labis na kinilig ang netizens sa sagot ni Deanna na, “Ur a planet in my galaxy.”
Read: Volleyball players Deanna Wong, Ivy Lacsina exchange sweet messages on Instagram
Noong October 20, 2022, tinawag namang “mahal kita” ni Deanna si Ivy sa mensahe nito para sa kanyang ika-23 kaarawan.
Sa kanyang sagot ay tinawag din ni Ivy si Deanna sa parehong salita sa wikang Kapampangan na “kaluguran daka.”
Read: Volleyball star Deanna Wong tells rumored girlfriend Ivy Lacsina “I love you”
