Nagsalita na si Robi Domingo tungkol sa kaguluhan ng ilang celebrity vloggers, kung saan nadawit ang kanyang pangalan, noong nakaraang buwan.
Sinabihan siya ng celebrity vlogger na si Zeinab Harake na “walang market” sa lumabas na screenshot mula sa group chat ni Zeinab at ng vlogger-talent manager na si Wilbert Tolentino.
Read: Robi Domingo takes a swipe at Zeinab Harake for "walang market" comment; Zeinab apologizes
Sa vlog ng TV Patrol host na si Bernadette Sembrano na lumabas noong Linggo, November 6, 2022, napag-usapan nila ni Robi ang tungkol dito.
Ayon kay Robi, naisip na rin niya ito minsan sa kanyang buhay.
Fourteen years na kasi siya sa showbiz industry kaya pabiro niyang sabi kay Bernadette, "Parang ang tagal na kaya naisip ko, may market ba ako?"
Sabay nagtawanan ang dalawa. Kasunod nito ay inusisa siya ni Bernadette tungkol sa isyu.
Tanggap lang daw nang tanggap si Robi sa lahat ng trabahong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. Nahanap na ba niya ang kanyang "market"?
Sagot ni Robi, “I would be lying if I say I don’t care about that. I had my frustrations.
"Lalung-lalo na, ‘Asan na ba talaga ako? Kailan ba ako magkakaroon ng break? Bakit ba palagi akong sidekick. Bakit ba palagi akong pinapadala sa malalayong lugar?’
“And then I realized, I needed to go to those places para mas mapagtibay ko yung credibility at mas malaman ko yung istorya. And kapag magawa mo yun and when you're inside the studio, mas may sense ka.
“At mas may bigat yung relationship mo with the contestants, with the staff, at mas nagta-translate yun sa manonood.”
Dagdag pa ni Robi, sobrang stressful ang kapanahunan ngayon sa lalong pagyabong ng social media.
Saad niya, “And over the years, nalaman ko rin, lalung-lalo na this social media game, ‘no, it’s stressful especially when you think about the numbers, the analytics, the number of subscribers.
“Minsan, it doesn’t make sense, gagawa ka ng isang content tapos, ‘Kala ko ito yung patok, hindi pala.’
“But you will come to a realization na minsan sa buhay, hindi importante ang market. Dahil mas importante yung audience.
“And when you have that audience, who would react to you and know kung ano yung sinasabi mo, I think mas pang-long term yun.
“When you have a market, parang nagbebenta ka, di ba, you’re trying to... everything is a business.
“When you have an audience, you relate. And much more than the market, I would love to have that audience.”
May mensahe ba siya sa mga nagdududa sa kanyang kakayahan bilang TV host.
Pahayag ni Robi, “Here’s a thing, nung lumabas yung issue na yun, wala talaga akong say.
“I don’t want to say na wala akong pakialam, pero hindi ako na-affect that much kasi alam ko yung story.
“Alam ko yung context. And totoo naman. Ba't naman ako magagalit kung totoo naman na mahina yung algorithm?
"And there’s a different world for each content creators.
“And some content creators make content not for the numbers but it’s their outlet for creativity. It’s their outlet to let their voices be heard.
"Naniniwala ako dun sa content na ginagawa namin na, ‘Okay, konting viewers, konting views,’ but if it promotes yung mga pinaniniwalaan ko, lalung-lalo na education ng kabataang Pinoy and health, and when you spit out facts, dun ako.
“That’s why it’s called YouTube, e, it should focus on you.”
SOON TO BE FAMILY LIFE WITH MAIQUI PINEDA
Samantala, nitong nakaraang November 4 ay na-engage na si Robi sa non-showbiz girlfriend nitong si Maiqui Pineda.
Nangyari ang surprise proposal sa sikat na Shibuya crossing sa Tokyo, Japan.
Read: Robi Domingo now engaged to Maiqui Pineda
Ano kaya ang family life nila ng fiancée sa tingin niya?
Ayon kay Robi, “Kasi si Maiqui yung ano, e, minsan I have to be honest din na minsan nalilihis ako, kasi parang sa dami ng nangyayari. Here comes the lady, Maiqui, telling me, ‘What’s the point of all of this? Anong purpose natin?’
“Ayun, binabalik niya ako on track.
“Hindi lang balanse, e, talagang binubomba niya, pinupukpok ako sa ulo.”
Parang may ibinagay naman daw sa kanya ang Diyos na tagabantay sakaling malihis siya ng landas.
Ani Robi, “Mas kampante na ako at mas handa na akong harapin ang buhay dahil alam kong pag tumingin ako sa gilid, okay, tama yung ginagawa ko.”
