PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robi Domingo now engaged to Maiqui Pineda

Robi Domingo proposes to Maiqui Pineda in Shibuya Crossing in Tokyo, Japan.
by Arniel C. Serato
Published Nov 4, 2022
Robi Domingo Maiqui Pineda engagement
TV host Robi Domingo on girlfriend Maiqui Pineda in an intervew last October 2020: "I feel it. I really feel na ito na talaga yun, e."
PHOTO/S: Courtesy: @maiquip on Instagram / @mjfelipe on Twitter

Engaged na ang Kapamilya host na si Robi Domingo, 33, sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda.

Nangyari ang surprise proposal sa sikat na Shibuya crossing sa Tokyo, Japan, ngayong Biyernes, November 4, 2022.

Kasalukuyang nasa Japan sina Robi at Maiqui, kasama ang mga malalapit nilang showbiz friends na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Zanjoe Marudo, at Joshua Garcia para doon mag-celebrate ng Halloween.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa sa ulat ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, dapat ay sa New York gagawin ni Robi ang marriage proposal ay Maiqui. Pero dahil sa conflict ng schedule, inilipat niya ito sa Tokyo.

Wala pang petsa kung kailan magpapakasal ang dalawa.

ROBI-MAIQUI RELATIONSHIP

Sa panayam ng Magandang Buhay kay Robi noong October 2020, ikinuwento nitong batchmate sila ni Maiqui sa Ateneo de Manila University.

Taun-taon din daw nakikita ni Robi si Maiqui na kasama ang boyfriend nito.

Sa isang annual Christmas gathering daw ay muli silang nagkita.

Sa pagkakataong iyon, hindi kasama ni Maiqui ang kanyang boyfriend kaya nagtanong si Robi tungkol sa estado ng relasyon ng dalaga.

Sagot daw ni Maiqui noon: "Wala na kami months before."

Ang tumakbo raw sa isip ni Robi, “Sa utak ko, wala akong intensiyon na puwede ito [ligawan].”

Dahil sariwa pa noon ang breakup ni Robi kay Gretchen Ho, naisip daw niya kung naranasan ni Maiqui ang “rollercoaster ride” na naranasan niya, gaya ng gabi-gabing pagpunta sa bar.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabalik-tanaw ng host, “Grabe, talaga. Parang rollercoaster ride. Nakakapagod lang. To the point na nasa bar, nandoon na ako sa taas ng table sumasayaw.”

Niyaya raw ni Robi si Maiqui sa isang bar. Ang ending, nag-usap daw sila mula gabi hanggang madaling-araw.

“Nagkakakuwentuhan lang, parang friends...” paglalarawan ni Robi.

Mula raw noon ay naging madalas na ang kanilang kuwentuhan at oras sa isa’t isa.

Hindi tinukoy ni Robi kung kailan sila naging magkarelasyon ni Maiqui.

Subalit unang lumabas ang balitang idini-date ni Robi ang non-showbiz girl noong September 2018.

Read: Robi Domingo posts photo with rumored girlfriend for the first time

Pagsapit naman ng huling bahagi ng 2019, sinimulan na ni Robi ang pagpu-post ng mga larawan nila ni Maiqui, na tila pagsasapubliko ng kanilang relasyon.

ROBI SAYS HE FEELS MAIQUI IS THE ONE

Inilarawan ni Robi ang kanyang girlfriend na “napaka-graceful and yet full of substance.”

“Boses pa lang niya, music to my ears,” sambit ng Kapamilya host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Maiqui rin daw ang nagsilbing inspirasyon niya para magkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay.

“Binibigyan niya ako ng bagong direksiyon. Kasi kung ako lang, work, work, work. How, what, when.

"Siya yung nagbibigay ng why.”

Sabi pa ni Robi, nakahanap siya ng katapat sa katauhan ng girlfriend.

“Yung pagka-alpha male ko nawawala kapag nandun siya.”

Pakiramdam ba niya si Maiqui na ang kanyang pakakasalan?

“I feel it. I really feel na ito na talaga yun, e,” sagot ni Robi.

Read: Robi Domingo says he frequented bars for an entire year during “darkest moment” of his life

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Robi Domingo on girlfriend Maiqui Pineda in an intervew last October 2020: "I feel it. I really feel na ito na talaga yun, e."
PHOTO/S: Courtesy: @maiquip on Instagram / @mjfelipe on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results