PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dimples Romana brings "kilig-ayuda" to Coco Martin-Julia Montes fans

Ayuda sa lahat ng CocoJuls fans!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 11, 2022
Julia-Coco-Dimples
Dimples Romana brings "kilig" to fans of Coco Martin and Julia Montes a.k.a CocoJuls with her new Instagram video.
PHOTO/S: Screengrab @Dimples Romana Instagram

May hatid na pagpapakilig ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa fans ng showbiz couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Dumalo si Dimples sa birthday celebration ng Dreamscape entertainment head na si Deo Edrinal kung saan spotted din sina Coco at Julia.

Sa ini-upload niyang video sa Instagram noong Miyerkules, November 9, 2022, makikitang magkakatabi sila nina Julia at Coco sa party.

Maririnig sa background ang kantang "Zoom" ng Korean rapper na si Jessi, kung saan naki-groove din si Coco.

Caption ni Dimples sa kanyang post (published as is): "As promised, ayuda sa lahat ng nagmamahal sa dalawang love ko, to all my fellow CocoJuls, pampaganda ng gabi at umaga ninyo.

"Please excuse my wa-poise laughter. Kinilig ako eh."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala si Dimples na matalik na kaibigan ng dalawa. Anak-anakan niya si Julia noon sa teleserye nilang Mara Clara remake.

Samantala, naghatid naman ng kilig sa netizens, partikular na sa CocoJuls fans, ang post ni Dimples.

Sa comments section, bumuhos ang pasasalamat ng fans sa anila'y pag- "update" sa CocoJuls tandem.

CocoJuls

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CocoJuls

CocoJuls

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RUMORED RELATIONSHIP

Matagal nang palaisipan sa netizens kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Coco at Julia.

Nagsimulang mabalita na may espesyal na namamagitan sa kanila nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012.

March 2019 nang makakuha ng scoop ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na palihim na isinilang ni Julia ang anak nila ni Coco.

Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

October 2022 naman nang mapansin ng netizens ang singsing ni Julia na may malaki at makinang na bato sa kaniyang right finger.

Read: Julia Montes flashes huge diamond ring; netizens ask, "engagement ring ba yan?"

Nito lamang November 2, 2022, may short-but-sweet birthday message si Julia kay Coco sa ika-41 kaarawan nito.

Read: Julia Montes spreads kilig vibes in her birthday message to boyfriend Coco Martin

Aniya, "continue to be YOU...Happy Birthday [cake, balloon emojis].

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin sina Coco at Julia sa estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana brings "kilig" to fans of Coco Martin and Julia Montes a.k.a CocoJuls with her new Instagram video.
PHOTO/S: Screengrab @Dimples Romana Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results