PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Perci Intalan, Jun Lana remain "best friends" despite breakup

Is Perci Intalan open to reconciliation with Jun Lana?
by Melba R. Llanera
Published Nov 15, 2022
Perci Intalan, Jun Lana
Perci Intalan on not closing his doors to reconciliation with Jun Lana: "Anything can happen. Pero ganito na lang, kailangang tanggapin namin if mangyayari man uli, ibang tao na kami."
PHOTO/S: @percinotpercy Instagram

Hindi lang sa personal na buhay naging mag-partner sina Perci Intalan at Jun Robles Lana.

Co-founders din sila sa content creation and artist management company, ang IdeaFirst.

Si Perci ang president, at si Jun naman ang tumatayong vice president ng kumpanya na nagprodyus ng mga pelikulang Dementia, Bwakaw, Anino Sa Likod Ng Buwan, Panti Sisters, Big Night, Kalel, Gameboys, Mahal Kita Beksman, at marami pang iba.

Madalas din silang partners sa pagbuo ng mga pelikula kung saan si Jun ang screenwriter at director, habang si Perci ang producer.

Sa personal level, 18 years silang magkarelasyon. Walong taon doon ay kasal sila, bago naghiwalay noong December 2021.

Pero hindi naging hadlang ang hiwalayan nila para maapektuhan ang kanilang trabaho at pagkakaibigan.

Sinabi ito ni Perci sa solong pocket presscon para sa kanya noong November 5, 2022.

"I think nga things have become smoother. Siyempre any romantic relationship may ups and downs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Di ba, may drama? Maraming kakambal na drama. So, nung nawala yun and we became really good friends, best friends, business partners, then co-parents, wala kaming pinag-aawayan.

"Dati, 'Di mo man lang naisip di pa ako nag-dinner. Bakit ngayon ka lang? Di ba, special day natin ito? Nag-schedule ka ng meeting, anniversary natin.'

"Mga ganung away, wala na yun, actually mas lumuwag," paliwanag ni Perci.

Kaya rin daw nilang magbiruan tungkol sa hiwalayan nila.

"Of course, may kaunting kurot kasi ang tagal din. Pero nandun pa rin mga pictures namin. Wedding pictures namin nandun pa rin sa pader.

"Sabi nga ni Jun, wala raw ba akong balak tanggalin? Sabi ko, 'Wala, nangyari naman, di ba?'

"I guess, magaan kasi we got it out of it nang magkaibigan pa rin kami.

"Araw-araw magka-text pa rin kami. Nasa New York siya, pag may problema nag-uusap pa rin kami.

"Parang it's the best that could happen."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON CO-PARENTING

Magkatuwang din daw sila sa pagpapalaki ng kanilang adopted sons na mga tsikiting pa.

Paliwanag pa ni Perci, palitan sila ni Jun pagdating sa co-parenting ng kanilang mga anak.

"Hindi naman mahirap kasi right now siya yung mas busy, ganun naman kami ever since. Parang somehow pag yung isa busy, yung isa ang nagte-takeover.

"Ngayon, nagsusulat siya kaya siya pupunta ng New York. Ako ang naiwan sa mga bata. Ako ang naghahatid, nagsusundo sa school, kasama ng mga kids.

"Tatawag siya, mag-uusap sila. Pareho lang kami na hands on.

"I think natural lang, yung older son namin is closer to him, yung younger is closer to me. Parang mas clingy kumbaga. Parang may kanya-kanya kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong sila pa at nagkakaproblema ang kanilang relasyon, hindi raw ipinakita nina Perci at Jun sa mga anak ang pag-aaway nila.

"Hindi, because that's what we decided kasi much earlier pa. Na huwag tayo yung mga couples na nakikita ng mga anak na nag-aaway.

"Bago pa dumating dun, mag-decide na tayo, so kaya kami nag-decide.

"Kasi ayaw naming umabot na nag-aaway kami sa harap nila tapos nire-resent namin ang isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OPEN TO RECONCILIATION?

Dahil maganda ang kanilang relasyon, hindi maiwasang tanungin si Perci kung posibleng magbalikan sila ni Jun.

Sabi naman ni Perci: "Anything can happen.

"Pero ganito na lang, kailangang tanggapin namin if mangyayari man uli, ibang tao na kami. Hindi na ako yung Perci nung nagkakilala kami, hindi na rin siya yung Jun nung nagkakilala kami.

"I think dun nagkakaproblema, and I think most couples na nagkakaproblema [iyon ang issue].

"Ang magiging away niyan, 'Dati, di ba, sweet ka sa akin? Ganun, ganun.' And then, tatanggapin mo na lang kasi ibang tao na ito, e. Iba na yung circumstamces, mas busy na siya, mas ganito na siya."

Sakaling makahanap ng iba si Jun, magiging masaya raw siya para sa ex-partner.

Sa ngayon, masaya si Direk Perci sa pagiging single.

"Lumalabas? Di pa, complicated, e. Ayoko munang i-complicate ang buhay ko. Simplify your life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON LOVING ONE'S SELF AFTER A BREAKUP

Kung mayroon man natutunan si Perci sa breakup nila ni Jun, iyon daw ay mas pahalagahan ang kanyang kakayanan.

Sa edad na 50, napagdesisyunan niyang gawin ang mga bagay na dati ay kinatatatakutan niyang gawin.

Napagtanto raw niyang panahon na para mas i-embrace ang karera bilang direktor bukod sa pagiging producer.

"Alam ko na life is not long. May mantra nga ako na on my 50th, I'm fearless, e. Lahat ng kinatatakutan kong gawin, gagawin ko. Hindi naman may pagka-daredevil," saad ni Perci.

Sa puntong ito, saka binanggit ni Perci na dumaan din siya phase na binuo muna ang sarili matapos ang hiwalayan nila ni Jun.

"When you go through a breakup, I think ang dealing talaga through a breakup is you really have to learn to love yourself and you learn to enjoy your own company.

"Buti may pagkaganun din ako na solo traveler. I started appreciating myself and appreciating the fact na, 'Uy, kapag ako pa lang mag-isa...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpunta ako ng Aurora, tumigil ako ng Aurora, gusto kong pumunta ng Manaoag, trinay ko hanggang Manaoag [Pangasinan].

"'Bakit ko ginawa ito sa sarili ko na tinawid ko ang buong Luzon in one day?' Pero it's the freedom, e.

"Nung pumunta ako ng Europe ganun din, one month ako halos nandun. Ang hotel accommodation ko four days lang ang binook ko kasi balak ko talaga kung saan ako dalhin ng hangin.

"Lahat yun in a whim. You are not accountable to anybody, pag naligaw ka, wala kang sisisihin kundi sarili mo.

"Pag na-hold up, sarili mo lang ang sisisihin mo. I think that triggered it na this new decade of my life, parang titigilan ko na ang pag-e-edit sa sarili ko.

"Kung hindi mo kaya, i-check mo talaga kung di mo kaya."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Perci Intalan on not closing his doors to reconciliation with Jun Lana: "Anything can happen. Pero ganito na lang, kailangang tanggapin namin if mangyayari man uli, ibang tao na kami."
PHOTO/S: @percinotpercy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results