Naglabas na ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 para sa paglipat sa actor-TV host na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.
Ito ay para sa kinakaharap niyang rape case na inihain ni Deniece Cornejo.
Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline
Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA ngayong gabi, November 15, 2022, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na inaayos pa ang mga dokumento para sa paglipat sa It’s Showtime host sa regular na kulungan.
Sasailalim din si Vhong sa mga health protocol requirements.
Kasalukuyang nakapiit ngayon si Vhong sa National Bureau of Investigation Detention Facility matapos siyang boluntaryong sumuko noong September 19 para sa kasong rape na inihain ng modelong si Deniece.
Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrendering in rape case
Nauna nang hiniling ng kampo ni Deniece na ilipat sa Taguig City Jail si Vhong dahil doon nakasampa ang kanyang mga kaso.
Read: Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail
Bukod sa rape, kinakaharap din ni Vhong ang acts of lasciviousness case na isinampa pa rin ni Deniece.
Ang unang warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 116 noong September 19 ay may kaugnayan naman sa acts of lasciviousness case na inihain ni Deniece.
Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case
Kinahapunan noong araw ring iyon, naglabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay naman ng rape case na inihain pa rin ni Deniece.
Dahil non-bailable ang kasong rape, kailangang ipasok sa selda si Vhong.
Samanatala, hindi naghain ng plea si Vhong matapos basahan ng sakdal kaya ang korte ang nag-enter ng not guilty plea para sa para rito noong October 11.
Read: Vhong Navarro refuses to enter plea in rape case filed by Deniece Cornejo
Sa kabilang banda, dinidinig pa rin ang kasong serious illegal detention laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na finile ni Vhong.
Noong November 7, kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na hindi pumayag ang Court of Appeals sa mosyon ng kampo ni Cedric na ibasura ang kinahaharap na serious illegal detention case.
May kinalaman iyon sa reklamo ni Vhong na siya ay ginapos, binugbog, dinitena, at sinubukang kunan ng pera ng grupo ni Cedric noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ni Deniece.
READ: Court of Appeals junks bid to dismiss Vhong Navarro's illegal detention case vs Cedric Lee
