Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline

Vhong Navarro and Deniece Cornejo are equally determined to prove their innocence of the charges each leveled against the other in the courts.

In this story, the Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) lists the series of events that led to the continuing courtroom drama—from the very first time the litigants met in 2011 up to the January 22 incident in Forbeswood Heights condominium.

The timeline is based on the sworn affidavits submit


Bagamat Enero nangyari ang insidente na kinasangkutan nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, at Cedric Lee, ang isyung ito ang naging laman ng balita nitong Pebrero.

Balikang tanaw natin ang mga pangyayaring pinag-usapan sa national TV, at tinutukan ng mga TV networks.

BACKGROUND. Nauwi ang simpleng pagkakakilanlan sa pagitan nina Vhong at Deniece sa isang matinding legal battle na kinahaharap nila ngayon.

Sa March 2014 issue ng YES! magazine, inilathala ang kabuuan ng kani-kanilang sinumpaang salaysay, kunsaan inilarawan kung ano ang tunay na nangyari noong gabi ng January 22, sa Forbeswood Heights, Taguig City.

Makikita rin dito ang kabuuan ng sinumpaang salaysay ni Cedric Lee, ang itinuro ni Vhong na siyang bumugbog sa kanya, kasama ng lima pang kalalakihan.

Ang reklamo ni Vhong: Siya ay piniringan, ginapos, binusalan ang bibig, at pinagbubugbog sa loob ng condo unit ni Deniece.

Ang reklamo ni Deniece: Siya ay ginahasa ni Vhong, ngunit nakaligtas dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigang pumigil sa karahasang ginawa ng actor-host.

Para sa kaalaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment) readers, tinipon namin ang mga petsa at mahahalagang pangyayari, base sa bersiyon ng kuwento ng mga sangkot sa isyung ito at sa report ng YES!

FIRST MEETING IN 2011. Sa product launch ng isang kilalang shoe brand sa Glorietta unang nagkakilala sina Deniece at Vhong.

Ayon kay Deniece, namimili siya noon ng sapatos para sa kanyang mga kapatid na lalaki nang biglang pinaringgan siya ni Vhong at sinabing, "Ang ganda talaga…" habang nakatitig sa kanya.

Nakuha raw ng actor-host ang kanyang mobile number mula sa isang staff na nanghingi ng contact details ni Deniece noong mismong event.

Ilang araw ang lumipas bago siya tinawagan ni Vhong at tila nakikipagkaibigan sa kanya.

Mula noon ay madalas daw siya nitong kamustahin sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages o kaya naman ay pag-follow sa Facebook fan page niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugma naman ito sa kuwento ni Vhong na una niyang nakita si Deniece sa isang shoe store, kunsaan hiningi niya ang numero ng dalaga.

Inamin din niyang nagkapalitan sila ng mensahe ni Deniece sa text at Facebook noon. Ngunit matagal ding natigil ang kanilang komunikasyon.


LATTER PART OF 2013. Bago magtapos ang 2013 ay muling nanumbalik ang komunikasyon sa pagitan nina Deniece at Vhong sa pamamagitan ng Viber.

Ayon kay Deniece, panay ang kulit sa kanya ng actor-host sa Viber at Facebook na kumain sila sa labas.

Ngunit ilang beses daw tinanggihan ng dalaga si Vhong, at palaging idinadahilan ang kanyang pagiging abala sa trabaho.

JANUARY 17 MEET-UP: DENIECE’S VERSION. Kinalaunan ay naging palagay na ang loob ni Deniece kay Vhong, kaya pumayag siyang makipagkita rito noong gabi ng January 17.

Pumayag si Deniece na papuntahin sa kanyang condo si Vhong upang makaiwas sa tsismis, gawa ng “celebrity status” ng actor-host.

Kampante rin daw ang dalaga na patuluyin si Vhong dahil inaasahan niyang sasamahan sila ng kanyang kaibigang babae.

Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, siya mismo ang sumalubong kay Vhong sa lobby ng condo at sabay silang pumanhik sa kanyang unit.

Pumuwesto raw sa sofa si Vhong habang si Deniece naman ay nagtungo sa kanyang study table at nagtapos ng trabaho gamit ang kanyang laptop.

Hindi sila gaanong nakapagkuwentuhan kaya biniro siya ni Vhong at sinabing, “Ano ba ‘yan, magkikita tayo ’tapos trabaho nang trabaho. Hindi ka nag-e-entertain ah.”

Sumagot daw si Deniece at sinabing hinihintay pa niya ang pagdating ng kanyang kaibigan bago sila sama-samang mag-“hang out.”

Sa huli, nagpasya si Deniece na pauwiin na lamang si Vhong, matapos tumawag ang kanyang kaibigan at sinabing hindi na ito makakapunta sa condo.

JANUARY 17 MEET-UP: VHONG’S VERSION. Sa sinumpaang salaysay ni Vhong, idinetalye niya na may namagitang sexual act sa pagitan nila ni Deniece noong gabi ng January 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una ay uminom daw sila ng isang boteng white wine sa sala ng condo unit ng dalaga.

Pagkatapos ay nagsimula silang “nagkulitan” sa sofa at saka itinuloy ang kanilang sexual act sa kama ni Deniece.

Ngunit nilinaw ni Vhong na hindi natuloy sa sexual intercourse ang “kulitan” nila, at nagpasya siyang umalis ng condo unit ni Deniece bandang 1:30 a.m. ng ika-18 ng Enero 2014.

Bandang 2:35 a.m., nakatanggap daw si Vhong ng tawag sa telepono mula kay Deniece.

Nasundan pa ito ng isang text message, kunsaan tinawag ni Deniece na “Sweetie” si Vhong at malambing na nangungulit na magkita ulit sila.


JANUARY 22 INCIDENT: VHONG’S VERSION. Ayon sa sinumpaang salaysay ni Vhong, bandang 10:45 ng gabi ng January 22 nang dumating siya sa Forbeswood Heights condominium upang bisitahin si Deniece.

Galing siya sa isang restaurant sa The Fort at may dalang take-out food para sa dalaga.

Base sa instruction ni Deniece, diretsong nagtungo si Vhong sa unit nito sa second floor ng condo.

Nagkasalubong daw sila sa may bandang elevator sa second floor, at sabay na pumasok sa loob ng unit ni Deniece.

Ilang saglit lang pagkatapos ilapag ni Vhong sa mesa ang dala niyang pagkain, napansin ng actor-host na lumabas ng unit ang dalaga.

Laking-gulat ni Vhong nang bigla na lang may lumabas na dalawang lalaki mula sa kuwarto ni Deniece.

Sa puntong ito, tinutukan ng baril, piniringan, ginapos, pinagsusuntok, at pinagsisipa si Vhong ng dalawang lalaki.

Maya-maya pa ay may dumating pang ibang kalalakihan na tumulong sa paggulpi sa actor-host.

Kuwento pa ni Vhong, hinubad ng mga ito ang pang-ibaba niyang kasuotan at kinunan ng video ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pilit din umanong pinasasabi sa kanya sa harap ng camera ang mga katagang, “Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko," habang tinututukan siya ng baril.

Walang nagawa si Vhong kundi sundin ang ipinag-uutos ng mga lalaking gumulpi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kadahilanang pinagbantaan daw ng mga ito na papatayin siya at ang kanyang pamilya.

Pilit din umanong pinagbabayad si Vhong ng malaking halaga “para sa damage ko raw kay Deniece.”

JANUARY 22 INCIDENT: DENIECE’S VERSION. Ayon naman sa sinumpaang salaysay ni Deniece, kampante siyang papuntahin si Vhong sa kanyang condo noong gabi ng January 22.

Ito ay sa kadahilanang inaasahan niya ang pagdating ng iba pa niyang kaibigan na nakatakda niyang kitain noong gabi ring iyon.

Pagdating ni Vhong sa kanyang unit, nagtungo si Deniece sa kusina upang iligpit ang kanyang pinagkainan.

Sinundan daw siya ng actor-host, lumapit sa tabi niya, at hinaplos-haplos ang kanyang buhok, likod, at braso.

Nakaramdam ng pagkailang si Deniece kaya sinaway niya si Vhong at sinabing: “Kuya, ayaw ko. Sorry hindi ko talaga ito magagawa.”

Sa puntong iyon ay ginamitan siya ng lakas ni Vhong, pwersahang kinaladkad papuntang sofa sa may sala, at sinimula umanong gahasain.

Pilit na nanlaban si Deniece kaya saglit siyang nakawala at nakatakbo papunta ng kanyang kuwarto.

Ngunit mabilis daw siyang nasundan ni Vhong at pilit na pinagsamantalahan.

Ilang sandali pa ay dumating ang mga kaibigan ni Deniece at nadatnan daw ang ginagawang karahasan ng actor-host.

Sa tulong ng mga ito ay nakawala si Deniece mula sa pagkakadagan ni Vhong.

Agad daw tumakbo ang dalaga papunta sa kaibigan niyang babae na kasamang nagbigay ng saklolo sa kanya.

Bagamat hysterical siya noong una, nang kumalma si Deniece ay nagpasya siyang dalhin nila si Vhong sa presinto, upang ipa-blotter ang panghahalay na ginawa nito sa kanya.

JANUARY 24 NEWS BREAKOUT. Unang lumabas sa media nuong January 24 ang balitang naka-confine si Vhong sa ospital matapos siyang gulpuhin ng anim na kalalakihan sa isang condo sa The Fort, Taguig City.

Ngunit hindi pinangalanan ng talent manager ni Vhong, si Direk Chito Roño, kung sino ang mga suspect sa pambubugbog sa actor-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumanggi ring magbigay ng iba pang detalye si Direk Chito kung bakit sinapit iyon ni Vhong.

READ: Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men

JANUARY 25: ATTEMPTED RAPE COMPLAINT. Noong January 25, naiulat sa 24 Oras Weekend ng GMA Network News ang tungkol sa police blotter, kunsaan nakasaad ang attempted rape complaint ng isang 22-year-old na estudyante laban kay Vhong.

READ: Vhong Navarro now being accused of attempted rape by 22-year-old student, says blotter report

Ang kabuuan ng blotter report ay inilathala sa March 2014 issue ng YES!


Dito ay makikita na pinangalanan ni Deniece sina Cedric Lee at Bernice Cua Lee bilang mga kaibigan niyang tumulong sa pagsagawa ng “citizen arrest” laban kay Vhong.


JANUARY 26: VHONG NAMES ASSAILANTS. Sa ulat ng PEP noong January 26, kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na totoong ipina-blotter si Vhong ng isang 22-year-old complainant.

Ngunit nilinaw ng abugada na pawang kasinungalingan ang alegasyong panggagahasa laban sa actor-host.

READ: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation

January 26 din nang unang isiniwalat ni Vhong—sa isang taped interview ng Buzz Ng Bayan—kung ano ang kuwento sa likod ng nangyaring pambubugbog sa kanya noong gabi ng January 22.

Dito unang pinangalanan ni Vhong sina Deniece Cornejo at Cedric Lee na siyang may pakana ng nangyaring karahasan sa kanya.

READ: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

READ: Vhong Navarro: “Hindi po ako rapist.”

JANUARY 27: DENIECE BELIES VHONG’S STORY. Isang araw pagkatapos ng rebelasyon ni Vhong sa Buzz Ng Bayan, lumantad si Deniece Cornejo sa publiko at nagpaunlak ng panayam sa iba’t ibang media outfit.

Ibinahagi niya na parang kapatid ang turing niya sa actor-host, kaya sobra siyang nasaktan sa ginawa nitong tangkang panghahalay sa kanya.

READ: PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: “Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Maging si Cedric Lee ay nagpaunlak ng panayam sa media upang bigyang-linaw kung bakit siya nasangkot sa pambubugbog kay Deniece.

Dito rin nilinaw ni Cedric na wala silang relasyon ni Deniece na higit pa sa pagiging magkaibigan.

READ: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: “Ayaw niyang masira yung career niya.”

READ: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies extortion allegation of Vhong Navarro’s camp: “I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera.”

JANUARU 28: VHONG FORMALLY FILES MULTIPLE COMPLAINTS. Noong January 28, pormal na naghain ang kampo ni Vhong ng reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion at blackmail laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

READ: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

READ: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

JANUARY 29: DENIECE FORMALLY FILES RAPE COMPLAINT. Noong January 29, personal na nagtungo si Deniece, kasama ng kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja, sa Taguig Prosecutor’s Office.

Ito ay upang pormal na magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay, kaugnay ng reklamong panggagahasa na isinampa niya laban kay Vhong.

Ipinaliwanag ni Atty. Calleja na hindi lang basta attempted rape ang dinanas ni Deniece, base sa kuwento ng kanyang kliyente.

READ: Deniece Cornejo files rape complaint against Vhong Navarro

FEBRUARY 6: VHONG SUBMITS EVIDENCE TO DOJ. Noong February 6, personal na nagpunta si Vhong sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay upang panumpaan at lagdaan ang kanyang supplemental affidavit kaugnay ng pambubugbog sa kanya sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong January 22.

READ: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ

Kasama rin sa isinumite ni Vhong ang nakalap na CCTV footage ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Forbeswood Heights, Taguig City, at iba pang ebidensiya laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ: Vhong Navarro submits evidence of mauling incident; Cedric Lee’s alleged text messages

FEBRUARY 14: COURT JUNKS DENIECE’S PLEA FOR LOOKOUT ORDER. Hindi nakadalo si Deniece sa unang preliminary investigation ng DOJ nuong February 14, kaugnay ng reklamong isinampa nila ni Vhong sa isa’t isa.

Ito ay sa kadahilanang kinailangan niyang humarap sa pagdinig ng Temporary Protection Order na isinampa niya laban kay Vhong sa Taguig Regional Trial Court. Ngunit hindi pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Deniece.

Ang paliwanag ni Atty. Mallonga, “...walang basehan sa petition to assume that there is a relationship between Vhong and Deniece, so as to put it within the ambit of the law.

“Ang TPO, sa ilalim ng probisyon ng VAWC [Violence Against Women and their Children Act], ay nagbibigay proteksiyon para sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang relasyon [mag-asawa o magkasintahan]."

READ: Court junks Deniece Cornejo’s TPO petition against Vhong Navarro

FEBRUARY 21: SECOND PRELIMINARY HEARING AT DOJ. Humarap ang grupo nina Deniece at Cedric sa DOJ nuong February 21 para sa ikalawang pagdinig ng preliminary investigation kaugnay ng nangyaring pambugbugbog kay Vhong.

Dito ay napilitan ang kanilang kampong magsumite ng counter-affidavit, matapos ibasura ng prosecutors ang inihain nilang omnibus motion.

READ: DOJ panel junks omnibus motion of Deniece Cornejo; Cedric Lee’s lawyer denies delaying tactis

Sa kabilang banda, nagkaroon ng pagkakataon si Deniece na lagdaan at panumpaan ang rape complaint na isinampa niya laban kay Vhong.

Kasabay nito ay nanindigan si Atty. Calleja na may basehan ang alegasyong panggagahasa na inihain ni Deniece laban sa actor-host.

READ: Deniece Cornejo’s lawyer insists rape can happen in less than a minute

Naghain din si Deniece ng affidavit reply kunsaan isiniwalat niya na hinalay siya ni Vhong sa dalawang magkaibang okasyon.

READ: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once but twice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng CCTV footages na inihaing ebidensiya ni Vhong, upang pabulaanan ang alegasyon ni Deniece.

READ: Vhong Navarro’s story matches CCTV footage, says NBI

READ: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

Para sa mas detalyadong report, basahin ang March 2014 issue ng YES! magazine. Available na rin ang digital edition sa Buqo App and Branded App.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN