PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Arcilla finally wins best actor in Gawad Urian

John Arcilla wins his second Gawad Urian after 25 years.
by Jerry Olea
Published Nov 18, 2022
john arcilla urian
John Arcilla on finally winning best actor at Gawad Urian: “Sabi ko, ‘Siguro, Urian is done with me.’ Hanggang dun na lang siguro ako. Hindi na ako umasa, hindi na ako nangarap. Sabi ko, ‘Ano iyan, nanalo na ako ng isa, baka hanggang dun na lang.’ And then this one."
PHOTO/S: @johnarcilla on Instagram / Jerry Olea

Inubu-ubo si John Arcilla sa acceptance speech niya bilang best actor ng 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022, Huwebes ng gabi, sa Cine Adarna o UP Film Center ng UP Diliman, Quezon City.

Nagwagi si John para sa pelikulang On The Job: The Missing 8 ni Direk Erik Matti, for which he also garnered the Volpi Cup at the 78th Venice Inyernational Film Festival last year.

Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors

Humingi ng paumanhin si John dahil noong araw lang na iyon niya nabasa na Filipiniana dapat ang attire sa 45th Gawad Urian, samantalang naka-amerikana siya.

Ang konsepto ni John ay ang ating pambansang bayani na laging naka-amerikana at hindi naka-barong.

“Ahhh, hindi ho ako nag-prepare ng acceptance speech. Kasi, nasanay na akong hindi naman talaga ako nananalo sa Urian,” sambit ni John.

Sumingit ang host na si Butch Francisco at sinabing absent si John noong first time na magwagi ito sa Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang sabi ni John, “Pupunta ako dun! Pupunta ako dun! Oo, pupunta ako dun!

“Unang-una, that was 25 years ago, my first Urian was ahhh… Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, ahhh… and that was 25 years ago.

“Actually, nung manalo ako noon bilang best supporting actor, ang nangyari niyan is… nagalit si Tita Midz, kasi bakit daw ako best supporting actor.

“Kahit di ako nanalo, dapat daw, ang category ko ay best actor. Kasi daw, ako daw ang leading man ni Osang.”

Ang "Tita Midz" na tinutukoy ni John ay ang yumaong Armida Siguion-Reyna ng Reyna Films na nagprodyus ng Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, kung saan title role si Rosanna Roces na Osang ang palayaw.

Pagpapatuloy ni John, “Anyway, e, tamang wala naman ako dun sa Manila kaya hindi ako nakapunta. So, hindi naman ibig sabihin nun, iniisnab namin ang pagkapanalo.

“Sabi niya, dapat daw ay na-nominate ako sa pagka-best actor. Kahit daw hindi ako nanalo, dahil iyon daw ang tamang category.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And from then on, 25 years — ito po ay sinasabi ko sa inyo na may kababaang-loob.

“Lahat po ng aking mga pelikula ay na-nominate na po sa best actor sa lahat ng naging pelikula ko, pero hindi po ako talaga nanalo… until this one.”

Napakatamis ng ngiti ni John habang nagpapalakpakan ang audience.

"HINDI NA AKO UMASA"

Tinanggap na raw ni John na hindi na siya magbe-best actor sa Urian.

“Sabi ko, ‘Siguro, Urian is done with me.’ Hanggang dun na lang siguro ako,” paghugot ni John ng buntong-hininga.

“Hindi na ako umasa, hindi na ako nangarap. Sabi ko, ‘Ano iyan, nanalo na ako ng isa, baka hanggang dun na lang.’ And then this one.

“Anyway… ang korupsyon naman po at ang inhustisya ay hindi lamang nangyayari sa ating bayan. Ito po ay pandaigdigang kalagayan.

“At habang lumalaki ako at tumatanda ay bakit parang mas lalong lumalalim ang inhustisya at korupsyon hindi lamang sa ating bayan kung hindi sa buong mundo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sino ba ang dapat sisihin? Meron ba tayong pagkukulang? Hindi lang bilang isang mamamayan kundi tayo bilang mga nasa industriya ng dapat ay namamahayag ng ating mga karanasan, at repleksyon ng nangyayari sa ating lipunan. Meron din ba tayong pagkukulang?

“Ang atin pong mga kaganapan sa daigdig ay patuloy na nandiyan sa ating paligid pero nakikita ko na… hindi naman siya dapat yakapin dahil nandiyan siya, at hindi rin natin dapat talikuran.

“Pero kailangan nating bigyan ng kalasag ang ating kalooban nang sa ganoon ay hindi tayo mahawa sa patuloy na lumalalim na korupsyon at inhustisya.

“Iyan ho ay isa sa pinakamasarap na bahagi ng aking pagiging artista sapagkat yung mahika po ng paglikha ng pelikula ay ang nagiging kalasag ko para manatili akong gumawa at mag-enkapsula ng aking mga karanasan, mga hinaing, frustrations, at sakit ng loob para gawing isang tabletas at ipamahagi sa mga manonood.

“Hindi po ako naniniwala na tayo ay gumagawa ng pelikula, we create contents, we tell stories para sa ating sariling fulfillment kung hindi nangangarap tayo ng isang daigdig na mas maayos, ng isang lipunan na mas makatarungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At iyan po ay nakikita kong nalilikha natin sa ating mga ginagawa, katulad ng mga pelikulang kagaya nitong tinanggap ninyo. Ibig sabihin ay naniniwala kayo.

“Kaya maraming-maraming salamat po sa pagkilala.”

ON THE JOB: THE MISSING 8 SWEEPS GAWAD URIAN

Pinasalamatan din siyempre ni John ang producer na si Dondon Monteverde sa pagbibigay sa kanya ng role na Sisoy sa On The Job: The Missing 8.

Nag-congratulate si John sa direktor ng movie na si Erik Matti, na nagkamit ng best director award.

“At congratulations ho sa lahat ng mga kasamahan ko sa pelikula sapagka’t hindi ko naman malilikha ang aking karakter kung hindi dahil sa mahusay din ninyong pagganap,” sambit ni John.

“Maraming-maraming salamat po. Mabuhay ang pelikulang Pilipino, Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang Urian! Mapuhay po tayo! Salud!”

Wagi rin sa 45th Gawad Urian ang co-stars ni John sa movie na sina Lotlot de Leon at Dante Rivero bilang best supporting actress at best supporting actor, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang best actress nominee ang OTJ: The Missing 8. Ang nagwagi ay si Yen Santos para sa A Faraway Land.

Read: Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech

Best picture ang OTJ: The Missing 8, katabla ang Big Night.

Sa best editing, katabla naman ng OTJ: The Missing 8 ang Walang Kasarian Ang Digmang Bayan.

Wagi rin ang OTJ: The Missing 8 sa mga kategoryang best screenplay, best sound, at best music.

Bale siyam na tropeyo ang hinakot ng OTJ: The Missing 8 the 45th Gawad Urian.

Maliban sa best actress, ang dalawa pang kategorya na hindi nasungkit ng OTJ: The Missing 8 ay ang mga kategoryang best cinematography na natamo ng Big Night, at best production design na nakuha ng Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Arcilla on finally winning best actor at Gawad Urian: “Sabi ko, ‘Siguro, Urian is done with me.’ Hanggang dun na lang siguro ako. Hindi na ako umasa, hindi na ako nangarap. Sabi ko, ‘Ano iyan, nanalo na ako ng isa, baka hanggang dun na lang.’ And then this one."
PHOTO/S: @johnarcilla on Instagram / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results