Watch Now

Yen Santos celebrates 30th birthday with rumored boyfriend Paolo Contis

by Nikko Tuazon
Nov 20, 2022
Paolo Contis, Yen Santos
On Sunday, November 20, 2022, Paolo Contis took to Instagram to share his photos with rumored girlfriend Yen Santos after celebrating the latter's 30th birthday. For his caption, Paolo wrote, "Happy Birthday My Best Actress! [emoji]"
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

Matapos itanghal bilang Best Actress sa katatapos lamang na 45th Gawad Urian Awards, ipinagdiriwang naman ni Yen Santos ang kanyang 30th birthday ngayong Linggo, November 20, 2022.

Read related story: Urian 2022 best actress Yen Santos, pinasalamatan si Paolo Contis sa kanyang acceptance speech

Kasama nito sa kanyang birthday dinner ang kanyang rumored boyfriend na si Paolo Contis.

Si Paolo mismo ang nag-upload sa Instagram ng kanilang mga litrato mula sa kanilang dinner date.

Sa caption, nag-iwan ito ng short but sweet message para kay Yen, "Happy Birthday My Best Actress! [emoji]"

Hindi naman tinukoy ni Paolo kung saan ang venue ng kanilang birthday dinner date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sakali, hindi ito ang unang beses na ipinagdiwang ni Yen ang kanyang birthday kasama si Paolo.

Matatandaang noong nakaraang taon, naging palaisipan sa netizens kung magkasama nga ang dalawa matapos nilang magbahagi sa kanilang Instagram Stories na tila nasa iisang lugar lang sila.

Read related story: Did Yen Santos celebrate her 29th birthday with Paolo Contis?

Paolo Contis Yen Santos beach date

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpasahanggang ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Paolo at Yen kung ano na ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit mapapansing unti-unti na silang mas nagiging komportable na ibahagi ito sa publiko.

Nitong Huwebes, November 17, 2022, isa si Paolo sa mga pinasalamatan ni Yen nang tanggapin nito ang kanyang Best Actress trophy mula sa 45th Gawad Urian Awards.

Naganap ang awarding ceremony sa Cine Adarna sa UP Film Center, Quezon City.

Sabi ni Yen, "Hi! Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat. Ahhhm, napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya.

"2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat.

"Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin. Noong in-offer po ito sa akin, inoohan ko agad. At bonus pa na nagawa namin ito sa napakagandang lugar.

"Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni [Veronica Velasco], sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo. Ahhm, I’ll always be your number one fan."

Agad ding nagbahagi ng congratulatory message si Paolo para kay Yen sa kanyang Facebook account.

Aniya, "Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile."

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, November 20, 2022, Paolo Contis took to Instagram to share his photos with rumored girlfriend Yen Santos after celebrating the latter's 30th birthday. For his caption, Paolo wrote, "Happy Birthday My Best Actress! [emoji]"
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results