PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto on successful run of her 10Q concert

Angeline Quinto recounts meeting mom of Nonrev Daquina in New York.
by Julie E. Bonifacio
Published Nov 25, 2022
Angeline Quinto, Khimo Gumatay, Sam Mangubat, and BuDaKhel at 10Q concert
“Kasi, in fairness kasi kay Khimo at kay Sam, mabait sila. Very humble," says Angeline Quinto of Khimo Gumatay and Sam Mangubat (lower right). Also part of her 10Q concert are Michael Pangilinan Bugoy Drilon, and Darryl Ong (upper right).
PHOTO/S: Julie Bonafacio / Khimo Gumatay Facebook / Sam Mangubat Instagram

Dream come true para kay Angeline Quinto ang matagumpay na 10th anniversary concert niyang 10Q.

Idinaos iyon sa Resorts World Manila with her special guests na sina Bugoy Drilon, Darryl Ong, at Michael Pangilinan, collectively known as BuDaKhel.

"Honestly, talagang hanggang ngayon para akong nananaginip. Kasi medyo matagal talaga naming plinano ito. So, natakot ako nung nagkaroon ng pandemic," pahayag ni Angeline nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa backstage ng kanyang concert.

“Akala ko hindi na siya matutuloy. So, sabi ko, gusto ko talaga magkaroon ng isang celebration na makakapagpasalamat ako sa mga tao since ten years naman ako sa showbiz.

"Gusto ko talagang makagawa ng isang concert na makakapagpasalamat ako sa kanilang lahat.

“Nagkataon naman na nung time na yun, buntis ako, 2021 last year.

"Hindi ko inasahan na matutuloy pa yung concert namin. Kasi nag-start kami sa The Metropolitan Theater [nung January 2022], e. Then, nagpunta kami sa U.S. and Canada."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa highlights ng concert ni Angeline ay ang medley ng hit songs ng favorite local divas niya.

"Bale, ako po talaga ang nakaisip noon kasi gusto ko talagang magkaroon ng isang production number na kakantahin ko yung mga pinasikat na kanta ng mga idolo ko.

"Si Regine [Velasquez], Miss Jaya, Miss Zsa Zsa [Padilla], and, of course, si Ma'am Sharon Cuneta."

Memorable din para kay Angeline ang pagkanta niya ng kanyang hit song na "Patuloy ang Pangarap" kasama si Sam Mangubat, It's Showtime "Tawag Ng Tanghalan" 2017 first runner-up, at Khimo Gumatay, Idol Philippines Season 2 winner.

“Kasi, in fairness kasi kay Khimo at kay Sam, mabait sila. Very humble," saad ni Angeline.

"So, nakakasama ko sila sa ASAP. So, ngayon isa sa mga nag-aalaga sa kanila, bale parang nanay-nanayan ko rin.

"So, ako yung nagtanong, 'Ate, puwede ko bang invite sina Sam at si Khimo na maging guests ko sa 10Q?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita ba niya ang kanyang sarili kina Kimo at Sam nung nagsisimula pa lang din siya sa showbiz?

Tugon ni Angeline, "Oo, kasi galing din ako sa contest. Tapos, ngayon kilala na rin sila. So, parang perfect yung 'Patuloy ang Pangarap' [na production number] para sa amin."

Isa sa mga bagong pangarap ni Angeline ay maisama ang fiancé na si Nonrev Daquina at anak nilang si Sylvio sa mga tour niya sa ibang bansa.

"Katulad ng Mama Bob, di ba? Sobrang blessing na bago nawala ang Mama, kasama ko siya sa mga bansang napuntahan ko," sabi ng singer.

ON MEETING NONREV'S MOM

Hindi natuloy ang pagsama ni Angeline kay Nonrev at baby Sylvio during her Canada and U.S tour noong September-October 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, gusto ko silang isama. Kaya lang si Sylvio, nung nalaman ko na medyo tumataas na naman ang case ng COVID, e, eleven cities po yung ginawa namin. Kaya medyo delikado."

Pero ikinatuwa ni Angeline na nakilala niya ang ina ni Nonrev at ibang kamag-anak nito nang mag-concert tour si Angeline sa New York.

"Mommy niya nandoon sa ano po, sa New York. Galing po sila ng Virginia.

"Pero kasi hindi naman natuloy yung show namin sa Virginia. Dapat 12 cities kami. Hindi natuloy yung sa Virginia namin.

"So, lumipad po sila para makapanood sa akin sa New York."

Iyon ang unang pagkakataong nakilala nang personal ni Angeline ang ina ni Nonrev.

"Tapos tinatanong din nila kung kailan yung kasal. Siyempre hindi ko rin po alam talaga kung ano ang isasagot ko. Kasi marami rin po talaga akong trabaho pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT'S NEXT FOR ANGELINE?

Pagkatapos ng show niya sa Resorts World Manila, ipagpapatuloy niya ang 10Q concert tour sa ibang mga bansa next year.

“Marami pa po kasi talaga kaming plano. At natutuwa ako, gusto ko siyempre isi-share ko rin sa inyo.

“After ng U.S. and Canada tour namin, talagang may pinaplano po ulit na magkaroon ng show sa Europe, sa U.A.E., at sa Australia.

"Hindi ko lang po alam kung kami pa rin ng BuDaKhel. Kasi, medyo hindi nagtutugma ang aming schedule.

"So, meron din po akong in-invite pa na maging guest sa last year na naging concert ko sa Metropolitan. Di ba, ang dami kong guest doon?

"So, hopefully, matuloy."

ON BEING A MENTOR FOR DREAM MAKER

Samantala, blessing din para kay Angeline ang maging mentor para sa bagong reality show ng Kapamilya Channel, ang Dream Maker.

“Nakakatuwa. Kasi, sa dinami-dami ng Dream Chasers, iyan po kasi ang tawag namin sa mga contestant ng Dream Maker. So, 62 na Dream Chasers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag nagpe-perform sila, talagang naaalala ko rin yung panahon kung paano ako nag-umpisa. Alam ko hindi madali na nagpupuyat sila, nag-aaral sila ng kanta.

"Kasi sa kanila, sayaw and kanta, e. So, medyo mahirap talaga sa kanila. Kasi sa amin [sa Star Power: Search for The Next Female Pop Superstar] kanta lang.

“Ang sabi ko nga lang sa kanila, kung meron ka talagang parangap, kailangan mong pahalagahan ang pangarap na yun.

"'Tsaka hindi puwedeng mangangarap ka lang. Kailangan mong pagtrabahuhan. Kasi kung mangangarap ka lang, hanggang doon lang yun.

"Pero kapag ginawan mo ng kilos, I’m sure, mas magiging maganda yung result noon."

May Korean mentors na kasama si Angeline sa Dream Maker, kabilang ang kapatid ni Sandara Park na si Thunder.

"Alam mo yung mga Korean mentors, sobra silang istrikto. Kasi sa atin, kahit papaano, ayoko kasi ng nakaka-offend. Kasi alam ko yung feeling ng ganoon, e.

"Kapag ako sinabihan dati ng ganoon, nawawalan na ako ng gana. Hehehe! Parang masyado akong nasasakatan, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam din naman daw ni Angeline na maganda rin yung direct to the point na feedback.

"Pero may dahilan din. Kumbaga, minsan kapag kailangan talaga nilang marinig yung hindi tama sa ginagawa nila, kailangan kong sabihin.

"Kasi mas kailangan nilang galingan sa susunod nilang performance, ganoon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kasi, in fairness kasi kay Khimo at kay Sam, mabait sila. Very humble," says Angeline Quinto of Khimo Gumatay and Sam Mangubat (lower right). Also part of her 10Q concert are Michael Pangilinan Bugoy Drilon, and Darryl Ong (upper right).
PHOTO/S: Julie Bonafacio / Khimo Gumatay Facebook / Sam Mangubat Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results