Ikinasal na ang singer-actress na si Alyssa Gibbs sa kanyang longtime fiancé na si Anton Cruz.
Si Alyssa, anak ng singer-comedian na si Janno Gibbs at aktres na si Bing Loyzaga, ay ikinasal kay Anton sa The Palm House, sa Australia, noong November 27, 2022.
Sa Instagram niya kahapon, November 28, nagbahagi si Alyssa ng mga larawang kuha mula sa kasal nila ni Anton.
Maikling caption niya rito: “After a 5 year engagement, we finally got hitched! [ring emoji]”
View this post on Instagram
Mensahe naman ni Anton sa kanyang hiwalay na post: “Finally got married to the love of my life.”
View this post on Instagram
Dapat ay noon pang April 5, 2020 ikakasal sina Alyssa at Anton ngunit nausog ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Sabi pa ni Alyssa sa kanyang post noon: “Today was supposed to be our wedding day.
"To commemorate the day that was supposed to be, here’s a little video of our trip last October.
"Hope this cheers you up @antoncruz! One way or another it’ll happen in God’s perfect time [heart emoji]”
View this post on Instagram
Sa kanyang panig naman, sinabi ni Janno sa Instagram post niyang opisyal na siyang mayroong son-in-law.
Aniya: “Its Official. I have a Son in Law! @antoncruz [heart emoji]”
View this post on Instagram
Si Alyssa ang panganay na anak nina Janno at Bing. Ang isa pa nilang anak ay si Gabby Gibbs.
