PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose seeks help of NBI after Facebook hacked twice

"Hanapin ko muna hacker pina-NBI ko na at saka na lang ako babàlik..."
by Arniel C. Serato
Published Nov 29, 2022
Jaclyn Jose Instagram account hacked twice
Veteran actress Jaclyn Jose announces break from social media after hackers attempted to hack her account several times: "Bastos at wala galang itong gumagawa... I will not post... nor text any one lalo na kung money involved... ignore...."
PHOTO/S: Courtesy: @JACLYNJOSE on INSTAGRAM

Hindi lang isang beses na-hack ang Facebook account ni Jaclyn Jose.

Ayon sa Instagram post ng batikang aktres noong November 26, 2022, na-recover na niya ang kanyang account at nakapagpalit na siya ng password, pero nagawa pa rin itong buksan ng hacker.

Ito ang dahilan kaya hindi raw muna siya magmi-message o magpo-post sa social media.

Saad niya (published as is), “To all my hacker.... na ka hacked pa din ako nag pahinga lang magaling tong mga tao nato... i wil not message.. post any... nagpalit nako pass word nakuha pa.....”

Lumapit na rin daw si Jaclyn sa National Bureau of Investigation (NBI) upang isangguni ang pagka-hack ng kanyang Facebook account.

May idea raw siya kung sino ang may pakana ng hacking ng kanyang account.

Binalaaan naman niya ang mga kakilala na kung may matatanggap silang mensahe galing sa kanyang account, lalo na kung tungkol ito sa pera, ay huwag itong paniwalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Jaclyn (published as is), “to every one ... wala napo ako social media... hanapin ko muna hacker pina NBI ko na at saka na lang ako babàlik...

“bastos at wala galang itong gumagawa.. .i will not post... nor text any one lalo na kung money involved... ignore....

“hahanapin ko.. malapit na meron na ako lead... antayin na lng nia.”

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

November 23, 2022, unang inihayag ni Jaclyn na na-hack ang kanyang facebook account.

Read: Jaclyn Jose on identity of hacker of celebs’ Facebook accounts: “I think taga-industry ito.”

JACLYN ON MMK FAREWELL

Samantala, ikinalungkot naman ni Jaclyn ang nalalapit na pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya.

Isa si Jaclyn sa naging bahagi ng premyado at longest-running drama anthology ng ABS-CBN.

Mensahe ng aktres sa host ng programa na si Charo Santos (published as is), “Marami po salamat ma'am Charo d ko po makakalimutan ang lahat na inimbitahan nio ako gumanap...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"(so many to mention) marami po salamat.....mahal ko po kayo [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Read: Maalaala Mo Kaya to end its 31-year run this December

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Jaclyn Jose announces break from social media after hackers attempted to hack her account several times: "Bastos at wala galang itong gumagawa... I will not post... nor text any one lalo na kung money involved... ignore...."
PHOTO/S: Courtesy: @JACLYNJOSE on INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results