GORGY RULA
Taus-pusong nagpasalamat si Charo Santos-Concio kay Mel Tiangco dahil sa mga magaganda nitong sinabi sa Maalaala Mo Kaya (MMK).
Sinabi ni Mel na isa siya sa nalungkot nang nabalitaan niyang magpapaalam na sa ere ang Kapamilya drama anthology ni Charo makalipas ang 31 taon.
Read: Maalaala Mo Kaya to end its 31-year run this December
Sa nakaraang presscon ng 20th anniversary ng Magpakailanman, tinanong pa kami ni Mel kung totoo ba yung kumalat na balitang magtatapos na ang MMK.
Nakarating kay Charo ang magagandang sinabi ni Mel sa kanyang programa.
“So sweet of her. So sweet talaga of Miss Mel Tiangco. Thank you very much, Mel, for your kind words,” pahayag ni Charo nang sandali namin siyang nakapanayam sa 5th EDDYS Awards nung Linggo, November 27, 2022.
Read: Charo Santos and Christian Bables win top acting honors at 5th EDDYS
Muli siyang nagpapasalamat sa lahat na mga natatanggap niyang magagandang mensahe at sa mga nanghihinayang sa kanyang programa.
“What can I say? I only say thank you. Thank you so much for all the years that they supported Maalaala Mo Kaya.
"At saka nakakataba ng puso na ngayon ay we’re on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa mga avid fans ng programa.
“But… you know. Ganun ang buhay. Life goes on,” pagkibit-balikat ni Charo.
Dagdag pa niya, “I have a grateful heart na naka-contribute naman ang Maalaala Mo Kaya sa larangan ng entertainment, sa pagdadala ng magagandang kuwento na puno ng aral at pag-asa.
"Because we presented the slice of life of the Filipinos, at ang daming aral na dinala. So, nakakatuwa.”
Pero nae-excite naman daw siya ngayon sa magandang balita na binili ang MMK para mapanood sa 41 countries ng South Africa.
“Oo. Binili ng South Africa! Sa 2023, it will be shown in 41 countries in Africa. So, I’m now dubbing the MMK into English. Who knows, di ba? One day, Korea naman!” natutuwa niyang pahayag.
“I’m sure yung mga Filipino, yung mga kababayan natin sa South Africa, ayan meron na naman silang programa na sasalamin sa kanilang buhay,” sabi pa ni Charo.
Malay natin, baka isa sa mga araw na ito ay magiging superstar si Madam Charo sa South Africa at busy na siya sa mga personal appearance doon.
JERRY OLEA
Ngayong hindi na magiging busy si Ma’am Charo sa taping ng spiels niya sa Maalaala Mo Kaya, gusto raw sana niyang makagawa pa siya ng pelikula o kahit teleserye. Nakaka-inspire daw ang paggawa ng pelikula lalo na’t napapansin siya sa award-giving bodies.
“Gusto ko sana gumawa ng pelikula, at sana may serye na dumating, di ba? Pag may dumating na magandang role. Why not?” sabi ni Ma’am Charo.
Noong Nobyembre 26, Sabado, 8:30 p.m., ang unang bahagi ng three-part special na MMK: Tatlong Dekadang Pasasalamat.
Kuwento iyon ng katapangan ng kababaihang nakipagsapalaran sa bansang Cyprus para sa pag-asang guminhawa ang buhay.
Bida rito si Kaila Estrada bilang Abby na napilitang magtrabaho bilang puta sa Cyprus, at nalulong sa cocaine para masikmura ang sinapit.
Gumanap bilang mga kasamahan niyang Scarlet Women sina Jenny Miller, Trina Legaspi, Meg Imperial, at Karina Bautista.
Samantala, maaari nang mapanood ang ilang past episodes ng MMK sa ABS-CBN Superview ng YouTube pati na sa iWantTFC.
Matutunghayan ang huling dalawang episodes ng MMK sa Disyembre 3 at 10 sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at TFC IPTV.
NOEL FERRER
Actually, after being the boss of the largest TV network once, kayang-kaya ni Ma’am Charo na mag-produce ng mga programa at pelikula para maipakita ang kanyang range as an actress! Legacy work na ang gagawin niya.
Ang maganda lang sa kanya, she is very open to be handled by even the young excellent artists! She moves out of her comfort zone. And best of all, she is a really gifted and intelligent actress kaya I want her to succeed!!!
You will always have my love and support, Ma’am Charo!
