Nagbigay pahiwatig si Vina Morales, 47, tungkol sa bagong romansa niya sa isang foreigner.
Ito ay matapos niyang ibahagi ang ilang larawan nila sa kanyang Instagram feed.
View this post on Instagram
Hindi man pinangalanan, masasabing more than friends na ang estado ng dalawa.
Sa panayam sa singer-actress sa Magandang Buhay na umere ngayong araw, November 30, 2022, sinabi nitong matagal na niyang kakilala ang lalaki, na sinasabi ng karamihan na boyfriend na niya.
Kuwento pa ni Vina, "Ako naman ay masaya. Inspired ako and kinikilig, tumitibok ang puso ko.
“It's been a while, I don’t know, I mean, I don't want to give so much details but then na-post ko rin kasi sa IG ko yun na I met him 21 years ago. So yung story namin is parang teleserye din.
“I met him when I did a show in Hawaii 21 years ago, wala pa akong Ceanna."
View this post on Instagram
Si Ceanna ang anak ni Vina sa estranged ex-boyfriend nitong si Cedric Lee.
Dagdag pa niya, "'Tapos, we've been in touch. And then bigla na lang… I don't know itong trip ko na ito, itong tour, he watched my show in Miami.
“And then, doon na nag-start lahat, ulit. And then hindi niya ako… all the time he's always been in touch, e-mail, hindi ko lang nababasa masyado, pati sa Instagram parang ganun. But he is really a nice guy.”
Bagamat ayaw niya munang magsalita nang patapos, umaasa si Vina na makilala na ang lalaking inilaan ng Diyos sa kanya.
Saad niya, "I am praying. Let's see where God will lead us, bahala na. Hindi pa natin alam kung saan, basta pampapakilig okay na yun, paminsan-minsan mag-post."
Ang huling napabalitang naging karelasyon ni Vina ay ang French businessman na si Marc Lambert taong 2015.
Read: LOOK: Vina Morales with her French boyfriend
Ngunit naghiwalay din sila taong 2017.
Read: Vina Morales opens up about breakup with French boyfriend
