PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tuesday Vargas snubbed by newbies

"Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder."
by Arniel C. Serato
Published Dec 3, 2022
Tuesday Vargas dinedma ng mga baguhang artista
Bubble Gang star Tuesday Vargas on encounter with two newbies: "Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda."
PHOTO/S: Courtesy: Tuesday Vargas on Facebook

Hindi napigilan ni Tuesday Vargas na hindi magkuwento tungkol sa mga "batang artista" na nang-deadma sa kanya sa isang event.

Kagabi, December 2, 2022, sunud-sunod ang posts ng comedienne/singer/TV host sa kanyang Facebook ukol sa pangyayari.

Aniya, kahit hindi pa oras para isalang ang mga batang artista ay isiningit sila sa program flow dahil nagmamadali ang mga ito.

At kahit binati raw niya ang mga ito ay hindi siya pinansin.

Lahad ng Bubble Gang star (published as is), “Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay.

“Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako.

“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder.

“Pakabait ok? Huwag ganun.”

Tuesday Vargas rants against newbies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento rito ang TV and movie director na si Louie Ignacio.

Ayon sa GMA-7 award-winning director, “Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila.

“Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!”

Sagot ng komedyana, nagpakilala pa siya sa mga ito at akmang nakipag-shake hands ngunit dinedma talaga siya.

Saad ni Tuesday, “Hayyy direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos abot ng kamay ko.

“Hindi ako pinansin tapos si handler hinarangan ako kala magpapa-picture ako. Kaloka.”

Tuesday Vargas rants against newbies

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa sunod niyang post, natuklasan daw ni Tuesday kaya nagmamadali ang mga batang artista ay dahil may isa pa silang event na pupuntahan.

Himutok ng seasoned performer, bayad naman daw sila sa event na kanyang hinu-host.

Lahad ni Tuesday, “Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event pa ng sponsor nila.

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali.

“Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto.

“Nakita ko pa talaga sa feed ko eh. Nahuli ko tuloy.”

Tuesday Vargas rants against newbies

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang ilang oras ay binura ni Tuesday ang kanyang posta.

Saad niya, “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin”

Mababasa sa quotation kalakip ng kanyang post, “Beautiful things don’t ask for attention.”

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Tuesday Vargas, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bubble Gang star Tuesday Vargas on encounter with two newbies: "Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda."
PHOTO/S: Courtesy: Tuesday Vargas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results