Sunud-sunod ang recent posts ng comedienne na si Jinky Oda tungkol sa kanyang masayang buhay pag-ibig.
Kasal na ngayon si Jinky sa isang non-showbiz guy na nagngangalang Juan Alfaro, kung pagbabasehan ang kanyang posts.
Naging aktibo bilang komedyana sa pelikula at telebisyon noong '80s hanggang 2000s.
Si Jinky—o Jacque Oda sa totoong buhay—ay nakilala sa kanyang role bilang Bale sa fantasy-comedy TV series na Okay Ka, Fairy Ko (1989-1997).
Limang taon na ang nakalilipas mula nang tumira siya sa San Francisco, California sa Amerika.
Nagtatrabaho siya roon bilang isang security personnel.
Read: Jinky Oda now working as security personnel in San Francisco, California
Isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyong manirahan ni Jinky sa Amerika ay upang makasama roon ang kanyang unico hijo na si Ryckllan Recto.
Si Ryckllan, 28, ay anak ni Jinky kay former Batangas Vice Governor Ricky Recto, na pumanaw nito lang December 1, 2022.
Pamilyado na si Ryckllan, at naninirahan sa Florida kasama ang asawa't mga anak.
JINKEE HAS found HER "SOULMATE"
Sa isang interview vlog noong July 2021, sinabi ni Jinky na isang taon na siyang single.
Kuwento niya noon, hindi nag-work ang kanyang relasyon sa Amerika.
Pero sa kanyang mga post nitong mga nakalipas na buwan, linggo, at araw, halatang ibinibida ni Jinky ang kanyang masayang buhay pag-ibig.
Lantaran din niyang ipinapakita sa videos at photos ang kanyang asawa.
Bakas ang saya ni Jinky ngayong nakatagpo na siya ng katuwang sa buhay.
Sa kanyang posts, ginagamit niya ang hashtags na “hubby,” “#hesmyjuan,” “mysoulmate” at “#happylife” pagtukoy sa kanyang mister at sa buhay nila bilang mag-asawa.
Caption ni Jinky sa isang post kalakip ang photos nila ng asawa: “He’s the juan!! Thank you Lord Jesus for bringing us together.”

Ipinost din ni Jinky noong October 19, 2022 ang video ng kanyang asawa habang nililinis ang kanilang tirahan.
Parte ng caption dito ni Jinky (published as is): “He clean our crib! Im so blessed to have a hubby like him!
“Thank God for giving him to me!”

Isa sa mga pinakahuling TV project na ginawa ni Jinky ay ang Kapuso sitcom na Vampire Ang Daddy Ko noong 2013.
